Chapter 39 *More than Friends?*

238 5 2
                                        

Chapter 39

*More than Friends?*

[Cindy's POV]

I'm so happy kasi I heard the news na okay na okay na daw si Bessy! Sana makapasok na siya bukas... Kasama ko ngayon si Kevin at papunta na kami sa bahay namin... Kaso nga lang hindi makilala ng parents ko ang mama niya... May inaasikaso daw kasi itong mahalaga... Hinayaan ko naman iyon.

"Babe nandito na tayo." tumingin naman sa akin si Kevin. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks! Ang bait bait talaga ng Oppa ko!" tapos ngumiti pa na parang nagyayabang. Nakoo Kevin! Kung hindi ka lang gwapo talaga...

"Tara pumasok na tayo. Panigurado naghihintay na sila mommy at daddy sa loob." pumasok na kami ng bahay at nakita ko naman si mommy at daddy na nasa salas. Parang may pinaguusapan...

"Mom, dad I'm home." tumingin naman silang dalawa sa akin. At tumingin din sila kay Kevin. Lumapit na kaming dalawa. Hinawakan ko na yung kamay ni Kevin kasi parang nahihiya ito. Sabi ko kasi sa kanya mag-ayos siya eh. Ang suot niya tuloy ngayon all black! Nako talagang lalaking ito. Magkaiba na magkaiba kaming dalawa... Ako nakasuot ako ng white dress na may flower sa left shoulder at naka-blue akong stilettos.

"Mom and dad, si Kevin Gonzales po... Boyfriend ko." tiningnan naman nila si Kevin mula ulo hanggang paa. Nako sila mommy at daddy talaga! First time ko lang kasing magpakilala sa kanila ng boyfriend eh... Ano naman kayang sasabihin nila.

"Goodafternoon po tita and tito." napatawa naman sila mommy at daddy. Natawa na din ako kasi parang hiyang hiya si Kevin...

"Baliw ka!" tumingin sa akin si Kevin.

"Mas baliw ka!" hay nako! Sa harap talaga ng parents ko maggagantuhan kami. Umupo na kaming dalawa.

"Iho, nag-iisang anak lang namin si Cindy... Sana ingatan mo siya tulad ng pag-iingat namin ng mommy niya sa kanya." tumango naman si Kevin habang nakatitig sa akin...

"Ahh mom and dad. Classmate ko po siya sa Heartstring Academy at nagkakilala kami dahil sa The Next." nagkatinginan naman sina mommy at daddy at parang gulat na gulat lalo na si daddy.

"Ohhh... siya pala yung most requested na singer sa The Next kaya pala pamilyar yung pangalan niya sa akin. Well, iho you did a great job palagi kang pinupuri nung manager ng The Next." napatingin naman ako kay Kevin. Ibig sabihin part time siyang magperform doon? Tinutulungan niya siguro ang mama niya.

"Salamat po."

"Ahhmm... kumain muna tayo." tumayo na sila mommy at daddy. Pumunta na din kami ni Kevin sa may dining room. Parang nahihiya talaga siya. Tapos biglang bumulong siya sa akin.

"Cindy, sorry ha... hindi ako nakapag-ayos. Promise ko sayo sa susunod na magmeet kami ng parents mo. Magpapapogi talaga ako para sa iyo." napatingin ako sa kanya.

"Ano ka ba. Ang baliw baliw mo kasi eh. Tinext na kita kanina tapos ganyan pa din ang sinuot mo."

"Mas baliw ka noh. Tingnan mo suot mo para kang lilipad mukha kang kalapati." aba!

"Ehh ikaw! Mukha kang taong grasa!" tapos bigla niyang sinundot yung tagiliran ko. Napakislot tuloy ako. Ginantihan ko naman siya napaurong naman siya. Tapos tumawa lang kami ng tumawang dalawa.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon