Chapter 6 *The Mystery Behind*

501 13 0
                                        

Chapter 6

*The Mystery Behind*

 

[Clarisse’s POV]

Huwag kang lalapit,baka saktan mo ako. Please. pakiusap ko sa kanya. Habang nasa malayo siya. At kahit nasa malayo siya nakikita ko pa din ang napakaganda at nagniningning na mga mata niya. Naglakad siya palapit sa akin at inaabot niya ang isang rosas. Kunin mo… Ayoko baka saktan mo ako, baka matinik at masugatan ako sa rosas na iyan. Hindi kita sasaktan at hindi ko magagawa sa iyo yun… Pagkaabot ko sa rosas, hinawakan niya ang aking mga kamay at baywang hinila niya ako at naglapat ang aming mga katawan. Tumingin ako sa kanya. Nakita koo ang mga mata niyang nakatingin sa labi ko. At konting konti nalang maglalapat na iyon. Habang pinipigil ko ang sarili ko, hindi ko na nagawa. Nang malapit na malapit na …

RIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!

"Ay tokwa’t baboy."

"Okay gigising na ako."

 

Buhay nga naman napuyat nanaman ako dahil sa kababasa ng pocketbook, kakakinig ng boses ni Nichkhun at ang kakaisip sa mga mata niya.

 

Natatandaan ko pa rin kagabi ng iabot niya sakin ang Hello Kitty na stuff toy at ng makita ko ang napakagandang mga mata niya na wala sigurong makakalimot pagnakita iyon. Tila napatanga ako at napipi ng mga sandaling iyon. Halos himatayin ako dahil hindi makagalaw ang buong katawan ko. Ang tanging nasabi ko lang noon ay Th-Thank Y-you… at umalis na siya. Sana makita ko ulit siya…

 

"Ate! Tara na."

"Ahh.. Sige tara na."

 

This is the second day of school. Ngayon na sana pumasok yung 2 transferee. Sina Mr. Vergara at Mr. Gonzales. Gusto ko silang maging kaibigan.

Kahapon nga pala pilit kong hinahanap ang bagong estudayanteng nakita ko habang nakapila at nakatalikod ngunit hindi ko siya nakita kahit saang sulok ng Heartstring Academy. Halos nalibot ko na ang buong campus wala siya. Ano kayang section niya? Ano kayang pangalan niya? At Ano kayang ugali niya?

*BEEEEEEEEEPPPPPPP* *BEEEEEEEEEEEPPPPPP*

 

Sana’y na ako dito. Hindi pa ako patay!

"Miss! Sakay na."

"Ay si manong. Sige po malalate na nga po ako eh. Salamat po."

 

Hayy... sana talaga makita ko ulit siya.

"Ayy nandito na pala ako."

"Manong para po."

"Marami pong salamat."

 

Yes! Nandito na ulit ako sa Heartstring Academy. Today is my first day of being a student assistant sa library namin. Isa yun sa mga pinagkakaabalahan ko para magkaroon ng discount sa tuition fee at magkaroon ng pandagdag sa allowance. One-fourth na tuition fee nalang ang binabayaran ko, kasi sumali din ako sa community service club na kaanib din si Cindy. Mabuti nalang okay lang sa principal na pagsabayin at hatiin ang oras ko sa mga gawain kong iyon.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon