Chapter 21 *The Teacher*

342 10 6
                                    

Chapter 21

*The Teacher*

[Elisa's POV]

Ako si Elisa Rivera, actually dapat Elisa Rivera Standford talaga dahil anak akong papa ni Jason sa mama ko. Magkapatid kami ni Jason sa ama.Masakit mang isipin pero kami ng mama ko ang nagsakripisyo para hindi masira ang buhay ng pamilya ni Jason.

Tiniis ko ang lahat ng sakit lalo ng malaman ko, four years ago na may colon cancer si mama at stage 4 na iyon, habang pinapanuod ko ang paghihirap ng mommy ko sa pinagdadaanan niya ang napakasakit ng nararamdaman ko dahil hindi man lang nagpakita si papa at dumamay.

Namatay si mama nang nagdurusa, bago siya mawalan ng hininga sinabi niya sakin na mag-iingat daw ako sa mga lalaking mayaman dahil baka iwan lang daw ako nila sa bandang huli pagnakuha na nito ang gusto at pagsikapan ko daw na umahon para hindi daw ako matulad sa nangyari sa kanya.

Kaya mula noon ginawa ko ang lahat para maging maayos at maiangat ang buhay ko naging head teacher ako sa Heartstring Academy pagkatapos kong mag-aral ng Education. Buti nalang kahit papaano tinulungan ako ni papa sa mga gastusin ko, kahit na may sama ako ng loob sa kanya tinggap ko iyon.

Dahil sa karanasan kong iyon, naging terror ako sa mga estudyanteng nahahawakan ko halos lahat pinangingilagan nila ako pagdumaraan ako, ako kasi yung tao na lahat ng pagkakamali ay napapansin kasi ayaw kong magkamali din ang ibang tao na nasa paligid ko tulad na nangyari sa buhay ng mama ko. Sa tagal ng panahon na nilagak ko dito sa Heartstring Academy, hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo. Dahil lahat ng lalaking nagtatangkang suyuin at lapitan ako ay pinagsusupladahano, baka nga tumanda na akong dalaga.

Ngayon ako ang advisory ng fourth year star section na kinabibilangan ng kapatid kong si Jason., nung nalaman kong dito mag-aaral si Jason ng high school nakaramdam na naman ako ng pangamba kasi dahil nga galit ako sa pamilya nito ay baka kung ano ang magawa ko dito pero sa tagal ng panahon., naunawaan ko nang walang kasalanan si Jason. At nang makayanan ko ng harapin ang katotohanan lalong lumakas ang loob ko para harapin ang mga pagsubok sa buhay ko.

Ngayong araw ang birthday ko, dahil nga nag-iisa nalang ako sa buhay at nakatirang mag-isa sa pad na pinag-ipunan ko ng mahabang panahon wala akong nakakahalubilong taong babati sakin ng maligayang karaawan.

Bago ako pumapasok dumadaan muna ako ng grocery store na malapit lamang sa pad ko.

Ngayon nandito ako sa grocery store, bibili ako ng konting pagkain para i-celebrate ang sarili kong birthday. Napagplanuhan kong bumili ng mga sangkap ng carbonara, 1 piece of cake at ng soda.

Nang makita kong paubos na ang stock ng soda, agad akong lumapit doon tutal tapos na naman akong kumuha ng mga iba pang gagamitin ko sa pagluluto. Isa nalang iyon.

Nang kukuhanin ko na iyon. Biglang may kumuha noon at mabilis na binuksan at ininom niya iyon. Matangkad at maputi ang lalaki. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ako ang nauna diyan eh."

"Hindi ahh... ako kaya, nainom ko na nga eh."

"Ako ang unang lumapit mabilis mo lang na nakuha."

"Edi ako nga ang nauna."

Nakakainis naman to. Takte magiging malas ba ang birthday ko ngayon.

"Sayo na. Saksak mo sa baga mo."

Humanap nalang ako ng mineral water. Pagpunta ko sa counter na walang nakapila biglang sumulpot na naman ang lalaking nang agaw ng soda ko. Nakakabuwisit talaga. Pinandilatan ko siya pero tila walang talab at nginitian lang ako nito. Nang matapos siya sa pagbabayad kinuha na nito ang pinamili at naglakad palabas.

Konti lang naman ang binili ko kaya mabilis din akong natapos, nang palabas na ako ng grocery store may biglang tumawag sakin. Siya yung lalaking nang-agaw na naman ng soda ko.

"Miss, salamat sa soda."

Nakakainis talaga.

"Bye, soda girl."

Nag-bike na ito paalis. Nakakabuwisit talaga ito.

Papasok  na ako ngayon ng Heartstring Academy, dadaan muna ako sa principal's office dahil ako ang naka-assign para ituro kay Mr. Sylvestre na magiging bagong math teacher ng fourth year ang room niya.

Nang malapit na ako sa principal's office may nakita akong lalaking parang namumukhaan ko, pumasok iyon doon. Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Tumingin ito sa akin.

Napatanga ako.

Bakit siya pa? Ang lalaking nambuwisit sa akin. Nakakainis naman.

Mr. Luke Sylvestre...

[Luke's POV]

Ako ang magiging bagong math teacher ng 4th year students sa Heartstring Academy. Kahapon pa ako nakapunta ng Heartstring kaya solo ko na lahat ng pasikot sikot sa school na ito. Nagtatanong tanong din kasi ako sa mga janitor pati din sa faculty members.

Napakasayang isipin dahil sa pinapangarap kong school ako makakapagturo. Bata palang kasi ako gusto ko na ditong mag-aral. Naalala ko pang sinabi ko iyon sa aking mama. Kaso lang pinagtawanan lang ako nito.

Dahil nga mahirap lang kami, nag-aral lang ako sa simpleng paaralan malapit sa bahay namin. Lumaki akong aktibo at matalinong bata sabi nila. Ako lang kasi ang nag-iisang anak ng mama ko. Namatay na si papa dahil sa aksidente.

Dahil sa pagsisikap ko nakapunta ako at makapagtuturo na dito sa Heartstring Academy. Ngayon ang unang araw ko kaya inagahan ko. Nakilala ko na ang mga magiging estudyante ko kasi maaga naman silang nagsipasok ngayon. Sabi nila may birthday daw kasi ang adviser nila, kaya maaga sila.

Pumunta ako sa principal's office para antayin ang co-teacher kong magtuturo sakin ng room ko.Si Ms. Elisa Rivera iyon, ang head teacher ng academy at adviser ng fourth year star section. Dahil nga sa kanina pa ako lakad ng lakad para halughugin ang buong academy nakadama ako ng pagod. Umupo muna ako sa isa sa mga upuan doon.

May narinig akong pumasok. Siguro nandito na ang magiging co-teacher ko na magtuturo sakin. Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko kung sino iyon. Siya yung babaeng nakasalamuha ko sa grocery store at inagawan ko ng soda...

Soda girl...

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon