Chapter 16 *The Past*

386 8 5
                                    

Chapter 16

*The Past*

[Clarisse’s POV]

Nakapasok ako ng maaga ngayong araw. Nakasabay ko si ma’am papasok medyo masungit ito pero keri lang. Actually ngayon ang araw ng community service naming ni Cindy mamayang hapon iyon, lilinisin ng club namin ang buong campus.

Pagpasok ko ng classroom nakita ko si Cindy na parang stress na stress. Iritable ito…

Hinanap ko din si Kerwin ngunit wala pa din ito, nag-aalala na ako para dito. Ang sabi kasi emergency kaya umuwi ito…

Umupo na ako sa upuan ko at bumaling kay Cindy.

"Hi bessy."

Hindi ito sumagot. Nakakapanibago lang. May problema kaya ito?

"Bessy may pro-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ng magsalita si ma’am.

"Goodmorning class."

"Goodmorning ma’am!"

"Okay. Let’s start our lesson."

Nakapagtataka ang aga ni ma’am magturo, siguro kasi marami kaming idi-discuss ngayon.

Tiningnan ko si Cindy. Tinanong ko siya.

"Bessy may problema kaba?"

Sa wakas nagsalita na ito.

"O-oo, malaki, natatakot ako Clarisse."

"Ano? At bakit natatakot ka?"

"Kilala ko na yung killer at balak ako nitong patayin."

"Ha!" Napalakas ang sigaw ko. Tumingin silang lahat sakin.

"Shh…"

"Quiet Ms. Hernandez."

"Sorry."

Biglang pumasok ang mga means girls. Naalala ko nanaman ang ginawa nila sakin kahapon. Nakakabuwisit ang mga ito, kailangan kong gantihan sila lalo na si Candice, she ruin my day.

Lumapit si Candice kay ma’am at may sinabi ito, pero hindi naming narinig ito. Umupo na ito sa upuan nito.

Bumaling ako kay Cindy.

"Bakit ka natatakot? Anong nangyari? Sino yung killer?" sunod-sunod kong tanong dito.

"Ginawan ko siya ng masama kahapon, hindi ako mapalagay pinagbantaan niya ako, ako na daw ang isusunod niya. Bessy ano ang gagawin ko?"

Pumatak ang mga luha nito.

Lumapit ako kay ma'am para i-excuse si Cindy.

Lumabas kami ni Cindy pero iyak pa din ito ng iyak. Sinabi ko sa kanyang umuwi muna siya dahil hindi magandang may gumugulo sa isip niya.

"Bessy, bukas na bukas tutulungan kita. Huwag ka ng mag-alala."

Yumakap ito sa akin.

"M-maraming salamat..."

Bumitiw ito sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Sumakay na ito ng kotse niya. Tamang tama at hindi pa iyon umaalis nandyun pa din yung driver niya.

Bumalik ako ng classroom, sa pagmamadali ko may nabanggan na naman ako.

Si Kerwin iyon.

"K-kerwin sorry."

"Wala iyon Clarisse. Dapat ako pa nga ang mag-sorry kasi hindi ako tumitingin sa daan. Sabay na tayo."

Buti nalang at si Kerwin ang nakabangga ko kung iba iyon baka kung ano nanaman ang nangyari sa akin, napakabuti talaga nito.

"Uhhmmm... Kerwin pwede magtanong?"

"Sure." sa mahinang tinig.

"Uhhmmm... bakit ka nga pala umuwi at hindi ka man lang nagpaalam sakin nung isang araw ? Sabi emergency daw, nag-alala tuloy ako."

Nakita ko ang sari-saring emosyon sa mukha niya.

"Clarisse kasi, actually hindi dahil emergency."

Nag-alala pa naman ako para dito.

"Sorry ha. Actually natanggap ko ang text ng papa ko na naka-uwi na daw sila dito sa Pilipinas kaya nagmadali akong nagpaalam para salubungin sila."

Biglang may nakita akong lungkot sa mga mata niya.

"N-nalamang kong nandito din pala s-siya..."

"Sinong si-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng nakita ko si Jason na pababa ng building dala niya ang kanyang bag.

"J-jason ba-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Dahil tila wala itong narinig, wala itong pakialam, nilagpasan lang ako nito. Sa tingin ko pinalabas siya ng room dahil sa late siya at wala siyang magandang rason para papasukin siya ni ma'am.

Gusto ko siyang habulin para damayan, teka teka bakit nasasabi ko ang mga ito. Sigruo dahil sa nadala lang ako sa nangyaring trahedya kahapon. Pero bakit ganun parang wala lang kay Jason yung mga nangyari kahapon, hindi man lang niya ako pinansin.

Sa kaiisip ko hindi ko na namalayang nandito na pala kami.

"Mauna ka na Clarisse..."

"Sige."

Pumasok ako ng classroom at umupo sa upuan ko.

Si Kerwin pumasok na din siya at napatingin ito sa bandang upuan ng mga mean girls tila gulat na gulat ito.

Natapingin din ako kayla Candice, nakita ko sa mukha ni Candice na gulat na gulat din ito.

Bakit gulat na gulat sila sa isa't isa?

[Kerwin's POV]

That eyes, nose, lips, hair and the whole of her.

I can't easily forget her.

She is my everything, she is my...

Candice...

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon