Chapter 35
*Science Fair*
[Clarisse's POV]
"Clarisse. can you help me to move on?" what? Nagpapatulong siya sa akin? Mag-move on? Papayag ba ako? Hindi ko alam.
"Ahh kasi Kerwin..." hindi ko na natuloy yung sinasabi ko.
"Okay lang yun Clarisse. Maghihintay nalang ako." OMG! Nakakakilig naman itong lalaking ito. Payag na ba ako? O hindi? Hayy.. hindi ko alam.
"Nandito na pala tayo." oo nga noh. Hindi ko na namamalayan kakaisip kung papayag ako o hindi.
"Tara na." bumaba na si Kerwin sa kotse at pumunta sa may pintuan ko para pagbuksan ako. Ang gentleman naman nito.
"Thanks." ngumiti ako sa kanya.
"Saan mo gustong magpunta?" saan nga ba? Biglang may humila sa kamay ko. Oo nga pala si Jason kasama namin.
"Bitiwan mo nga ako." binitiwan niya nga ako.
"Edi bitawan. Tara dun tayo." tinuro niya yung Timezone. Bata lang? At maglalaro kami? Biglang hinila nanaman niya ako. Nakakairita na talaga ha.
"Bakit ba ayaw mo akong tigilan? Pwede ba? Kahit ngayon lang. Please lang." binitawan na niya ako.
"Clarisse gusto mo ba dito?" nakasunod pala agad si Kerwin. Ang hirap ng ganitong sitwasyon noh? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
"Ahh sige dito nalang tayo." wala na akong nagawa atsaka dito lang naman talaga ako mag-eenjoy eh.
"Sige wait lang bibili lang ako ng tokens ha." tumakbo na si Kerwin papunta dun sa may counter para bumili ng token.
"Sorry Clarisse... kung makulit ako." aba. Marunong din pala itong magsorry. Maasar nga.
"Ikaw talaga baby boy." haha! Nakita ko naman yung pagkapilyo sa ngiti niya.
"Baby girl..." nababaliw lang siguro ito. Hayaan ko na nga siyang mangulit tutal naman naging close na din kami nito.
"Pwede bang maging matahimik muna yung buhay ko Jason. Kahit ngayong araw lang. Try mo ding wag mangulit." tumango naman ito.
"Clarisse ohhh..." nakabili na pala si Kerwin ng ticket. Iniabot niya sakin lahat ng token. Haha! Gusto talaga nitong mag-enjoy ako ha. Puwes susulitin ko na ito.
"Tara magbasketball tayong tatlo pataasan ng score ha. Haha!"
"Tara!" naki-ayon naman si Jason sa sinabi ko. Buti kaunti lang ang naglalaro ngayon at nakapagstart na kaming tatlo.
Puro tawa nga lang yung ginawa namin. In fairness ang gagaling nitong dalawang ito sa pagbabasketball. Ang hirap tuloy sumabay sa kanilang dalawa.
"Ang galing niyo naman. Ayan talo tuloy ako. Stage 2 pa nga lang ako tapos kayo naglalaro pa. Go go go! Kaya niyo yan!" haha!
"Yes panalo ako!" ang galing ni Kerwin! Haha! Pero si Jason mukhang naiinis.
"Ang galing mo Kerwin ha! 1 Point ka para diyan. Haha!" nakakatuwa silang dalawa.
"Tara doon naman tayo." nakita kong itinuro ni Jason yung Dance Revo. Hay nako panigurado maagrabyado dito si Kerwin. Marunong ba itong sumayaw?
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)