Chaper 22
*Soda Girl*
[Elisa's POV]
Si Mr. Luke Sylvestre and bagong math teacher ng fourth year, siya ang lalaking nambuwisit at nang-inis sa akin kaninang umaga habang bumibili ako sa grocery store...
Ngumiti ito sa akin.
"Hi, Soda girl."
"Shut up."
Umupo na ako sa tapat ng upuan niya.
"Mr. Sylvestre ako nga pala si Ms. Elisa Rivera. Ms. Rivera nalang."
Pinilit kong ngumiti dahil baka sabihin nito na unprofessional ako at masyado ko siyang pinepersonal.
"Alam ko na yan eh. Ibigay mo nalang sakin ang list ng oras ko sa pagtuturo ng math. Ang tagal tagal mo kasing dumating kanina pa ako nandito kaya nalibot ko na ang buong academy."
Napahiya ako dito. Hindi ko na pinahalata iyon. Hindi ko na inintindi. Kinuha ko sa bag ko ang list ng schedule at iniabot ko sa kanya iyon.
"Ohh ayan, yan ang schedule mo. Tara na ipapakilala kita sa star section."
Tumawa ito. Habang nakatingin sa mga schedule. Nababaliw na ata.
Tumingin ako sa bag ko. Nakita ko ang isang papel ng mga schedule... Mali pala ang naibigay ko.
"Ang cute mo naman dito."
Iniharap niya sakin ang picture at nakita ko iyon ang 7th birthday ko....... Nakakahiya...
"Akin na nga yan."
Hinila ko ang picture at ibinigay sa kanya ang list ng schedule.
"Tara na."
Nauna akong maglakad sa kanya, kasi naiinis ako pag nakikita ang mukha niya. Oo, gwapo siya pero sobrang presko. Pagpasok namin ng classroom. Biglang mag pumutok. Party poppers pala ang mga iyon.
"Happy Birthday!"
Sigaw ng star section, nakadama ako ng saya dahil pati ang kapatid kong si Jason at nakangiting bumati sa akin. Siya ang naglapit ng cake habang nakangiti ito.
"Happy Birthday ate". bulong nito.
Kumanta ang buong klase para sa akin, sobrang nabigla talaga ako sa ginawa nila hindi ko inaasahan na ganito icecelebrate ang bday ko. Wala pa kasi akong naging advisory na nagtangkang batiin ako ng happy birthday dahil sa terror nga ako.
"Happy birthday to you..."
Pumikit ako at nagwish.
Sana po maging maayos ang lahat para sa araw na ito... Sana maging masaya ang buong klase ko. Gusto ko po sanang humiling para sa kapatid ko, sana mahanap na niya ang babaeng para sa kanya at para naman po sa akin, sana makahanap na ako ng prince charming ko...
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
DragosteSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)