Chapter 24 *I Hate Him*

314 6 0
                                    

Chapter 24

*I Hate Him*

[Cindy's POV]

Panigurado gusto niyong malaman ang mga nangyari sakin nung mga nakaraang araw. Sobrang nakakastress na talaga ito. Grabe na ito. Yung feeling na gusto ko ng sumuko. Pero ako susuko? Wala ata sa vocabulary ko yan. Akala ko pa naman tapos na lahat pero yun pala hindi ko inaasahang ganito yung mangyayari.

Matapos yung nangyaring pagganti ko kay Kevin. Kinakabahan ako ngayon. O my G-dragon! Baka kainin ako ng buhay nito pag nakita ako. Eh mukha pa naman siyang dragon haha! Mag-iingat nalang ako. Pupunta pa pala ako ng garden at dun mag-aaral. Kahit may library mas komportable ako dun lang naman kasi medyo walang taong dumadaan at tahimik din dun at maganda ang view.

Buti nandito na ako. Makakapag-isa at matatahimik na din ako sa wakas. Maka-upo na nga. Bubuksan ko muna yung mga notes ko para makapagreview na ako sa darating na exams.

Sinuot ko yung earphones ko, mas gusto ko kasing nakikinig ng music habang nagrereview eh. Ang ganda talaga ng boses ng EXO. Alam niyo yung word na HEAVEN? Yung boses nila yun. Wala pa yung mga mukha nila.

"Omooo!" Napatalon nalang akong bigla. May palaka na tumalon! Nakakdiri! Yuck! Yan pa naman ang pinakahate kong hayop. Ang dami dami pa nila at naramdaman kong may tumalon banda sa may paa ko.

"Yuck! Help me!" Naiyak nalang akong bigla dahil ayoko talaga ng mga ito. Bukod sa nakakadiri yung itsura nila dumudulas pa sila. Eeww.... Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Buti nalang nakita niya ako dito. At baka siguro napagpiyestahan na ako ng mga echoserang palaka na ito. Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin at nakulong ako sa mga bisig nito. Naamoy ko ang pabango nito at napakabango. At kahit medyo hilam ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko. Laking gulat ko ng tumingala ako at nakita ko ang mukha nung nagligtas sa akin. K....Kevin?! Anong ginagawa nitong lalaking ito dito at makayakap wagas. Tinulak ko agad siya.

"Ano bang ginagawa mo! Please stay away from me." Tumalikod na ito at naglakad papalayo. Parang wala lang dito ang mga sinabi ko. Sabagay immune na yan sa mga salitang sinasabi sa kanya eh. Hinabol ko siya para magpasalamat kahit ganoon naman marunong din akong makaappreciate. Kinalabit ko siya sa likod at humarap siya.

"T...thank y..."

"Please stay away from me." Aba gaya gaya ito ah. Kapal ng mukha talaga ako na nga ang nagpapasalamat. Siya pa ang may ganang paalisin ako. Wow ha! Sarap talagang ingudngod ng pagmumukha nito sa sahig. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong pakialam sa kanya. Tumalikod nalang ako at naglakad palayo.

***

Nasa bahay na ako ngayon medyo pagod at napakarami ko kasing pinaggagawa ngayong araw. Pagkatapos ng class ko nagshopping muna ako sa sm para naman makapagrelax. Sobrang dami ko ng nanamang napamiling mga damit at ang pinakapaborito ko ay yung high heels na kulay silver. Sobrang pretty talaga. Sobrang hilig ko talaga sa mga dress, shoes at accessories. Sayang at hindi ko nasama si Clarisse. Next time nalang. Matutulog na ako. Medyo ginabi na din kasi ako sa paggagala. Buti nalang at wala pa si daddy. Kinuha ko yung diary ko sa may ilalim ng pillow ko.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon