Chapter 32 *Ferris Wheel*

271 6 0
  • Dedicated kay Chelle Paraiso
                                    

Chapter 32

*Ferris Wheel*

[Clarisse's POV]

OMG! Ngayon pala talaga ang Birthday ng lokong ito. Hayy naku... Jason talaga oh. Kaya pala ganun nalang ang itsura niya at wala siguro siyang kasamang magcecelebrate ng birthday niya. Hinila ko na agad siya palabas at ang pumasok lang sa isip kong puntahan namin ay yung Star City. Buti at 11PM pa yung sarado nun. Pagpunta namin doon agad naman siyang nagulat at nagtaka.

"Ohh bakit tayo nandito?" tinatanong pa ba yan.

"Ito ang treat ko sa iyo kapalit nung bayad dun sakinain natin sa carinderia haha!" nagulat naman siya. Pero wala lang talaga sa akin toh. Ang mahalaga mapasaya ko siya sa birthday niya. Pumunta na ako dun sa bilihan ng ticket. Pagkabili ko ng ticket binigay ko na sa kanya yung isang ticket at pumasok na kami sa loob.

"Clarisse baka pagalitan ka ng mama mo gabi na." kunwari nagtataka pa itong lokong ito.

"Nagtext na ako sa mama ko wag kang magalala. Tara na!" Hinila ko na siya dun sa mga rides. Sumakay kami ng Vikings haha! At para kaming bata na dalawa. Sigawan at tawanan lang ang ginawa namin. Hinila ko pa siya dun sa ibang ride. Nakakatuwa ang sigaw naming dalawa lalong lalo na dun sa roller coaster. Alam ko naman talagang takot siya sa mga heights syempre ako din haha!

Sobrang saya talaga naming dalawa. Isa na din ito siguro sa isa sa mga pinakabest na experience ngayong senior year. Sobrang nakakatuwa lang kasi ang kaninang malungkot na Jason at nagmumukmok ngayon ay humahagikhik at sobrang saya.

"Sandali lang Jason ha." pumunta ako doon sa isa sa mga store na bilihan ng mga souvenir para naman may gift ako sa kanya. Birthday naman niya ngayon deserving din siyang sumaya kahit papaano. Nakita ko ang isang cute na keychain kinuha ko na iyon. Lumapit na ako sa kanya.

"Jason this is for you. Happy Birthday!" inabot ko yung gift kong keychain na si Tom. Nakakatuwa lang isipin na si Tom ay gustong gustong kainin si Jerry pero hindi niya magawa. Si Jason naman kabaligtaran ni Tom ayaw na ayaw niya sa daga haha! At sobrang kulit nilang dalawa na parang si Jason. Ganun siya kakulit walang tigil as in pero in the end of the day magkasundo naman silang dalawa.

"Thanks Clarisse." nakita kong ngumiti siya. Buti nalang talaga at napasaya ko siya sa araw na ito. Ang bait din pala ng taong ito. Makulit nga lang. Nagulat ako ng biglang nagsalita si Jason.

"Ahh Clarisse... tara sakay tayo doon oh." tiningnan ko naman yung tinuturo ni Jason na ride. At nakita ko yung ferris wheel. Oo nga noh... Hindi pa kami sumasakay doon at lahat na ata ng rides nasakyan namin.

"Okay..." naglakad na siya papunta doon at sumunod na ako. Pagkasakay namin sa ferris wheel medyo awkward kasi sobrang tahimik as in. Magkaharap kami ni Jason at ako tumitingin lang ako sa mga stars. Sobrang ganda ng mga ito. Nakita ko yung pinakamalaking stars sobrang ganda at sobrang kinang.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon