Chapter 28
*Special Task*
[Clarisse's POV]
"Aray!!!" ang sakit ng sampal niya. Gusto niya ng away ha! Puwes pagbibigyan ko siya!
"Ano bang problema mo sa akin?!" pinanlisikan ko siya ng mata. At talagang pasigaw ko na yong sinabi sa kanya. Napakamaldita talaga ng babaeng ito!
"Tinatanong mo pa? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Mang-aagaw!" bigla siyang lumapit sakin at sinabunutan niya ako. Hinila ko din yung buhok niya. Parang matatanggal yung anit niya! Tinulak niya ako.
"Ako mang-aagaw? Ang kapal din ng mukha mo noh? At sino ang aagawin ko sa iyo?" sobrang kapal talaga ng mukha ng Candice na ito pwede ng gawing encyclopedia. Naningkit ang mga mata nito. Parang sasabog na ito.
"Nagtanong ka pa! Si Jason! Inagaw mo siya sakin! Ahas!" what? Si Jason? Inagaw ko sa kanya? Ang tanga naman nito? Ako aagawin ko si Jason? Baliw na baliw naman siya sa lalaking yun! Sa kanya na!
"Si Jason? Aagawin ko sa iyo? Nagpapatawa ka ba?" parang gulat yung reaksyon niya. Pero teka teka diba mag-on sila ni Dave? Ano ba ito? Ang gulo gulo na talaga! Two timer pala itong babaeng ito eh.
"Ang kapal mo magsisinungaling ka pa!" biglang lumapit nanaman siya. Tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig sabay umupo din siya at sinasampal at kinakalmot niya ako. Ginantihan ko siya! Hanggang sa maggulong gulong kami.
"Mas makapal ang mukha mo! Two timer!" nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya. Napapaiyak na din kasi siya. Ako din medyo nangingilid na yung luha ko dahil nararamdaman ko na yung hapdi ng mga kalmot niya.
"Walanghiya ka!" Dumiretso pa siya sa pagsampal at pagkalmot sakin habang ako ginagantihan ko siya. Wala kaming tigil kahit madumihan na talaga kami.
"Candice!" napatingin kaming dalawa kung kaninong boses iyon. Nakita namin si Jason na tumatakbo papalapit. Tinulak niya si Candice para magkahiwalay kami.
"Please Candice, wag mong saktan si Clarisse. Diba sinabi ko na sa iyo ito?" napanganga lang si Candice habang umiiyak ito.
"Jason, inagaw ka niya sakin! Hindi lang baboy yang babaeng yan ahas pa!" wow ha? Kapal talaga ng mukha! Siya nga yung two timer eh.
"Ang kapal talaga ng mukha mo Candice! Sinabi ng hindi...." natigil ako sa pagsasalita ng biglang magsalita si Jason.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)