Chapter 20
*Still the Same*
[Jason's POV]
Hindi ko inaasahang magiging ganoon ang turing ko kay Clarisse ng tulungan ko ito. Parang napakagaan ng loob ko sa kanya siguro dahil second year pa lang kaklase ko na ito.
Buti nalang nakita ko ang ginawang kamalditahan ni Candice kay Clarisse. Naawa ako kay Clarisse kaya hindi ko napigilang tulungan ito.
Ngayon maaga akong pumasok para hindi ma-late sa klase. Nakakatuwang isipin na naging maluwag ang pagtrato ko kay Clarisse kahit na palagi ko itong iniinis at inaasar.
Sa paglalakad ko nakasalubong ko si Clarisse, hindi ko alam ang iaakto ko parang na-estatwa ako. Tumigil ito sa harapan ko.
"J-jason."
Binunot nito ang isang supot mula sa bag niya.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sakin at sa pagpapahiram ng damit ha. Ito ohh... sinasauli ko na."
Nang iaabot na niya ito. Tinabig ko iyon.
"Hindi ko na kailangan yan. Sayo nalang kung gusto mo."
Iniwan ko na siya pero parang may kung anong mabigat na gustong tumutol, nakapagtataka lang.
[Clarisse's POV]
Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kaiisip sa mga taong nakapaligid sa akin.
Unang-una kay Cindy hindi ko pa din alam kung paano ko ito matutulungan sa problema nitong bumabagabag sa isipan niya. Basta bukas tutulungan ko nalang siya kung hanggang saan ang makakaya ko.
Si Kerwin, hindi ko talaga maintindihan ang pagiging misteryoso niya, marami pa talaga akong kailangan malaman sa crush ko. Oo, crush ko na nga siya, kahit hindi ko pa siya kilala ng lubusan.
Si David naman, nag-aalala din ako sa kanya dahil tinamaan ito sa pinakamalditang babae. Hindi ko alam ang gagawing tulong dito.
At si Jason naman hindi mawala sa isip ko ang mga ginawa niya para sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga ginagawa at sinasabi nito ng mga nagdaang araw. Napakalaki ng pinagbago nito. Parang hindi na siya yung Jason na mapanglait at mapang-inis.
Ngayon papasok na ako ng school. Nilabhan ko na din at pinlantsa ang damit at shorts na pinahiram sakin ni Jason, nakapagtataka lang, dahil pambabae ang mga iyon. Sa nanay kaya niya iyon o kaya naman may kapatid siyang babae? Hindi ko alam.
Biglang nakita ko si Jason na paparating, tumigil ako at magpapasalamat ako dito isasauli ko na din ang mga damit na pinahiram nito.
"J-jason."
Kinuha ko sa bag ko ang supot na kilalagyan ng mga damit na pinahiram niya sakin.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa akin at sa pagpapahiram mo ng damit ha. Ito ohh... isinisauli ko na."
Nang iaabot ko na ito bigla niya itong tinabig. Nalaglag iyon sa lapag.
"Hindi ko kailangan niyan. Kung gusto mo sayo nalang."
Nasaktan ako sa ginawa at sinabi nito. Hindi ko inaasahang ganito ang iaasal niya, hindi pa rin pala nagbabago ang Jason noon. Pero kung hihiling ako, sana maging Jason nalang siya kahapon.
Umalis na ito. Nakita kong may kotseng tumigil sa harap ko. Bumukas ang salamin nito at nakita ko si Cindy , nakangiti ito ibang iba ang Cindy na iyon kahapon parang hindi siya yung Cindy nma umiiyak at nanghihingi ng tulong sa akin.
"Bessy, sabay na tayo!"
Bumaba siya ng kotse at lumapit sa akin.
"Mukhang masaya ka na ha. Tapos na ba ang problema mo?"
"Uhmmm... oo, matakot pa naman ako, hindi pala siya ganoon kasama."
"Buti naman bessy."
"Wait lang, community service mo ngayon kasi absent ka kahapon."
"Oo, alam ko."
"Ohh siya tara na pasok na tayo sa classroom."
"Sige tara na."
Sabay kaming pumasok ni Cindy sa room. Mukhang ang daming pumasok ng maaga at wala pa si ma'am. Pumasok na din si Kerwin nakaupo sa upuan ni Cindy at si Kevin naman na nakaupo sa upuan ko. Lumapit kami dito.
Sabay kaming nagsalita ni Cindy.
"Excuse me, upuan po namin yan."
Tumingin ang dalawa sa amin.
"Sorry." sabi ni Kerwin.
"Kukuha nalang ako ng upuan ko."
Tumayo si Kerwin pero si Kevin mukhang matibay talaga. Bumalik ang tingin nito sa binabasang libro na parang walang naririnig.
"Mr. Gonzales, wala ka bang permanent seat matuto ka namang gumalang sa amin."
Tumingin lang ulit ito na parang wala talagang pakialam.
Biglang lumapit si Kerwin.
"Ito ohh, kumuha na ako ng isa pa. Wag na kayong makipagtalo."
Umupo si Kerwin sa tabi ni Kevin at si Cindy naman umupo din sa kabilang side ni Kevin at ako katabi si Cindy.
May narinig akong naguusap sa bandang likuran.
"Hoy.. dali ihanda niyo na yung regalo pati yung cake."
"Andyan na si ma'am."
Tumingin ako sa likuran.
"Para saan yung regalo at cake?"
"Birthday ni ma'am ngayon noh."
"What? Birthday ni ma'am, sayang hindi ko man lang siya nabilhan ng regalo."
"Okay lang yan."
"O, ayan na pala si ma'am dali yung party poppers pati yung kandila sindihan niyo na yun."
1...
2...
3...
Pagpasok ni ma'am pinaputok ang party poppers. Gulat na gulat si ma'am.
Happy Birthday! sabay sabay na sigaw namin.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomansaSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...