Chapter 41
*Hatred*
[Clarisse's POV]
CLARISSE AND JASON IS IN RELATIONSHIP...
Mga pictures namin ang nakapost ni Jason dun sa wall ng bulletin board ...
Picture namin na nakapiggy-back ride ako sa kanya
Picture nung pinatuloy niya ako sa bahay nila
Picture dun sa amusement park
Picture habang yakap yakap niya ako...
At picture namin sa garden habang natutulog kami kahapon?
HINDI ITO TOTOO ! Gusto ko na talagang sumigaw pero parang lahat ng lakas ko nawawala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya tumakbo nalang ako paalis dun. Narinig ko pang tinawag ako nina Candice at Cindy pero binalewala ko lang iyon. Patuloy ako sa pagtakbo. Kahit saan ako mapadpad sa school ground namin. Wala na akong pakialam dun.
Sino ba kasing nagpakalat ng mga iyon? Hindi kaya si Jason mismo? At bakit naman nito gagawin iyon? Eh kulang nalang ay isumpa ko siya sa pambubuwisit niya sakin. Pero teka? Baka ginagamit niya yung mga ito para talagang buwisitin ako?
Ang tanga tanga ko naman. Bakit hindi ko na isip iyon? Pero bakit? B-bakit?
Sa kakaisip, hindi ko na namalayang napadpad ako sa playground ng school namin. Umupo ako dun sa swing. At nag-isip ng mabuti...
Sino ba talaga yung nagpakalat nun? Paniguradong si Jason talaga iyon. Sa lahat ng anggulo siya lang ang nakikita kong makakagawa at magpapakalat nun. Siguro panibagong scheme niya ito para bwisitin ako ng todo todo. Kailangan ko siyang makita at makausap.
Palakad na ako para umalis ng may biglang may humila sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino ito.
"Clarisse, we have to talk." si Jason iyon at kitang kita sa mukha niya ang pangamba. Hindi ko alam kung bakit. Basta nagpadala nalang ako sa kanya ng hilahin niya ako papunta dun sa garden.
Pagdating namin dun humarap siya sa akin at nagsalita ito.
"Clarisse, wag kang lalayo sa akin please... Maniwala ka lang sa akin." ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Nababaliw na ba ito?
"Hindi, Jason. Hindi kita kailangan. Ilang beses ko ng sinabi sa iyo na tigilan mo ako diba? Bakit hanggang ngayon pinepeste mo pa din yung buhay ko? Wala ka ba talagang awa? Alam ko at alam mong ikaw ang nagpakalat ng mga pictures na iyon. Si...siguro paniguradong scheme mo nanaman ito para pag-tripan ako. Napakasa..." nagulat ako ng mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. Nakadama ako ng takot dahil sa mga mata niyang parang mag-aalab sa galit.
"Wala akong ginagawa! Maniwala ka!" kinakabahan na ako ngayon sa mga puntong ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako!"
"Clarisse! Wag kang lalayo!"
"Bitiwan mo siya!" pareho kaming napatingin ni Jason sa taong nagsalita. Si Kerwin iyon.
"Hindi!" pagmamatigas ni Jason.
"Lubayan mo si Clarisse, Jason!" biglang sinunggaban ng suntok ni Kerwin si Jason. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Tigilan niyo na yan!" sigaw ko. Nagpalitan sila ng suntok. Wala talaga akong magawa dahil makikita ko sa mukha nilang dalawa ang galit sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)