Chapter 2 *The Devil's Mouth*

722 18 0
  • Dedicated kay Cyruz Ü Isorena
                                    

Chapter 2

*The Devil's Mouth*

[Clarisse's POV]

ARAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!

Yan ang mga katagang nasabi ko ng may nakabanggaan ako. Hala siya pa ang tumalsik ang malas naman oh. Bago kaya siya dito sa school? Sana mala-anghel ang mukha at ugali ni kuya...

Teka teka... Parang namumukhaan ko siya ah. Patay hindi pala anghel...

"Buwisit naman ohh... Napakalaking harang!"

Ouch... Sakit ahh...

"Hay naku! Ikaw pala. Baboy ka talaga Clarisse."

Si Jason.. Jason Standford nga pala kilala ko na yan simula nung 2nd year pa. Paano ba naman ginawang pampalipas oras niya and pang-aasar sa akin. Wala atang segundo ang lumipas sa pambubuwisit sa akin.

Whatever!

Blah blah blah ... napakarami pa niyang sinabi.

Hmmm... sarap sipain. Mabuti nalang at ganyan ang inabot niya. Buti nga sa kanya.

Hay naku kahit kailan di talaga ako magkakagusto sa mayabang, walang puso at masamang lalaking yun. Hindi ko siya magugustuhanNEVEEEEERRRRR!!!!!!

Patakbo na akong umalis kagad. Mabuti nalang nakita ko na ang mga fourth year na nakapila, napakacommoner ko dahil wala akong masyadong nakakausap at walang may kakilala sa akin.

Nakarinig ako ng bulungan sa bandang likod.

Ang pogi naman nung bagong lipat.

Ang ganda ng mga mata niya.

Tama! at mukhang ang bait bait niya.

Syempre kahit papaano meron akong konting pagkausyoso kaya nakisilip ako para makita siya kaso nakatalikod pero sa tingin ko nga ang pogi niya. Sana maging kaibigan ko siya.

"Hoy Clarisse!"

Dumating na si Cindy.

"Ohh! buti nakita ulit kita."

"Bessy, may bago kamong lipat ang pogi niya!"

"Pagnakatalikod. Echosera in your dreams ha!"

"Ewan ko sa..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ng malakas si Ms. Elisa. Ang mala-bruha sa pagkaterror na teacher, lahat ng estudyante ilag sa kanya. Paano ba naman lahat ata ng maling kilos ng estudyante sisitahin niya. Sana hindi siya ang maging adviser namin sa taong ito. At kung mangyari yun patay.

"Fourth year umayos na kayo sa pagkakapila!"

Agad agad naman kaming pumila.

"Yung dating star section na third year, Star section pa din kayo kaya dun kayo sa room ng dating fourth year na star section."

"YEEESSSS!"

"Shhhh." sabay sabay na patahimik sakin ng mga katabi ko.

"Ayan. Ingay mo kasi bessy eh."

"Ayos lang yan. At least classmate pa din kita hehe."

Hay buti nalang at hindi nagbago ang section ko. Kung nagbago ang section ko sigurado mala-emo nanaman ako na walang kumakausap at kausap.

Magkasabay na kaming pumasok ni Cindy sa classroom at sabay sabay ang mga mean girls na umupong magkakatabi. Nakita ko si Jason at Candice na magkasama. Ang harot talaga ni Candice sarap ingudngod sa pader. Pero sa tingin ko may gusto talaga si Candice sa Jason na yun, wala naman dapat siyang ikagusto doon kasi ang sama sama ng ugali nun. Hmmmpp...

Mukhang wala namang masyadong lumipat ng school sa mga kaklase ko dati. Mukhang magiging magulo nanaman ulit ang classroom.

"Oyy ohh meron pang dalawang chair na walang nakaupo." sabi ng isa naming kaklase

"Ireserve niyo yan. Meron pa kayong dalawang bagong transferee na kaklase." sabi ni ma'am

Sino kaya sila sana makasundo ko. Gusto ko silang makilala. Sana maging ka-close at makabonding ko sila hehe. Gusto ko na din na magkaroon ng iba pang kaibigan bukod kay Cindy. Tutal last year na naman itotodo ko na para medyo mabawasan ang pagka-Commoner ko dito sa Heartstring Academy.

Nagulat ako

Nang bigla akong tinabihan ni Cindy at bumulong siya.

Natatakot ako...

[Jason's POV]

Tumakbo na ako para makaiwas kayla Candice at sa mga kabarkada niya. Paano ba naman kanina pa nila ako binubuntutan. Ewan ko ba sa Candice na yun kung bakit ako pa ang nagustuhan. Pinapakita ko na nga sa kanya na wala akong interes sa kanya, siya pa itong lapit ng lapit...

"ARAAAAAYYYYYYY!"

"Nakakainis naman ohh... Paharang harang sa daan, napakalaking pader."

Nakita ko kung sino ang nakabangga sakin siya si Clarisse kaklase ko na yan simula 2nd year pa. Madalas ko siyang asarin ang taba taba niya kasi.

Tumingin lang ito sa akin.

"Buwisit talaga ohhh."

Kahit na binubulyawan, inaasar at madalas na pinipikon ko si Clarisse, parang wala itong pakialam pero may mga oras na hindi na siya makapagpigil at binabalik sakin ang mga pang aasar ko.

"Baboy! Napaka careless mo. Ang laki laki mo kaya. I-compare mo ang katawan ko sa katawan mo ha. Mala-Incredible hulk ka sa laki."

Tumalikod at tumakbo na ito ng mabilis. Hindi ko na siya sinundan, kasi natatanaw ko nanaman na papalapit na tropa ni Candice mabilis akong pumanhik papunta malapit sa magiging room namin para mabilis na akong makapasok.

Nakita kong papanhik na sila. Dapat sasabay ako kayla Clarisse at Cindy, pero iinisin ko lang ito bilang ganti sa pagbunggo niya sakin. Pero biglang umagapay ang mga mean girls, hindi ko na sila kayang takbuhan.

Kailangan kong pagbayarin si Clarisse sa pagbunggo niya sakin. Nakakainis talaga siya kahit wala pa siyang ginagawa, basta hindi ko alam kung bakit ang sarap niyang asarin at paglaruan.

Pero mabait ang kalooban ni Clarisse, minsan naiisip ko ding tigilan na siyang asarin pero parang malimit na pinagtatagpo kami sa maling pagkakataon at hindi ko napipigilan ang sarili kong buwisitin at pag aasarin siya.

Actually cute si Clarisse kahit halos pumutok na ang uniform niya sa laki ng katawan niya. Sayang siya nakita ko na kasi ang mommy niya at napakaganda nito. Halos magkahawig sila ni Clarisse, yun nga lang talaga balyena ito.

Gagawa ako ng evil plan para mainis sakin si Clarisse....

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon