Chapter 36 *The Boys*

257 6 0
  • Dedicated kay Shalina Mae Yamat
                                    

Chapter 36

*The Boys*

[Jason's POV]

Bakit kaya wala si Clarisse? Buti naging maayos yung performance namin pero parang kulang kasi... Bakit ba wala siya? Ano bang nangyari? 7PM na pala at hinihintay nalang namin yung result para sa winners. Biglang nagsalita si Ate Elisa, kanina si Kerwin at Candice yung host parang ang awkward nga eh. Ano bang meron dun sa dalawang iyon? Atsaka si David hindi ko na nakita simula kaninang umaga. Siya dapat yung host ng Science Fair pero wala siya. Pati si Cindy wala din. Ano bang nangyayari wala na talaga akong clue sa nangyayari?

"And the winner is ..." ohh ayan na pala. Sana naman kami pero parang nakulangan kami dahil wala si Clarisse... Atsaka sa sobrang daming naglaban parang mahihirapan ata kami...

"Heartstring Academy." ha? Totoo ba ito? Talagang nanalo kami? Yesss!!!!

"YESSS!!!" nagsigawan na din yung mga ka-group ko. Tapos nagsilapitan yung ibang school sa amin para i-congrats kami. Sayang at wala si Clarisse. Hindi niya nakita itong pagkakataon na ito. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Ano ba kasing nangyari dun?

"Jason!" sino naman iyon? Tumingin ako dun sa nagsalita. Ahh si David lang pala,

"Ohh bakit?" san ba ito nanggaling? At nawala siya bigla?

"Congrats..." yun lang pala. Pero mukhang may gusto pa siyang sabihin.

"Dave saan ka ba nagpunta kanina? Diba ikaw yung host tapos ikaw yung nawala bigla."

"Pinuntahan ko si Clarisse. Ayy oo nga pala hindi mo pa alam. Si Clarisse nasa hospital." ha? Nasa hospital si Clarisse? Kumaripas na ako ng takbo.

"Jason! Yung hospital na pinagdalhan kay Clarisse. Ay yung SF Hospital." ahhh... dun pala sa hospital ni papa. Buti nalang at mabilis lang akong makakarating dun.

"JASON!!!" nakita ko yung mga ka-grupo namin at tinatawag ako. Hindi ko na sila inintindi. Basta ang alam ko lang ngayon kailangan kong puntahan si Clarisse...

***

Dumiretso agad ako dun sa lobby. Para naman matanong ko kung saang room nakaconfine si Clarisse. Hindi ko na nga natanong kung anong nangyari kay Clarisse kay David eh. Tinakbo ko na yung kwarto ni Clarisse. Sa tingin ko kasi pagnagelevator pa ako, matatagalan ako. Pagpasok ko dun sa kwarto.

"Huh huh huh huh..." nakita ko si Cindy at si Kerwin... Anong ginagawa ninto dito?

"Ahh Jason..." ang ganda ganda ni Cindy pero parang nawala na yung feelings ko para dito. Siguro nga infatuation lang yun atsaka mga bata pa kami nung nagustuhan ko siya eh. Basta ang mahalaga ngayon ligtas si Clarisse.

"Anong nangyari kay Clarisse?"

"Overfatigue atsaka hindi daw kumain pati nasobrahan sa puyat." ahh? Bakit kasi siya nagpapabaya eh. Tsk tsk...

"Ohh Jason nandito ka pala." eto nanaman itong tukmol na ito. Palaging umeepal nakakabadtrip talaga.

"Bakit? Pakialam mo ha? Nandito ako para kay Clarisse."

"Aalis muna ako ha. Baka kasi nakakaistorbo ako sa inyo. Excuse me lang Kerwin at Jason." umalis na si Cindy.

"Bro! Pwede tigil tigilan mo na ako pati si Clarisse." ano bang problema nito sakin?

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon