Chapter 44
*Misunderstanding*
[Clarisse's POV]
Naging masaya ang pagtravel namin using the yacht papunta dito sa island. 7PM na din ngayon at mag-iistart na ang party ni Cindy. Nagbibihis na ang lahat. Sobrang ganda ng venue. Talagang pinagkagastusan para lang sa nag-iisang anak na si Cindy. Panigurado siya ang magniningning sa gabing ito.
"Bessy di ka pa tapos?" tanong ko.
"Hindi pa! Malapit na!" ano ba itong babaeng ito? Napakatagal? Sa sobrang tagal baka hindi na ako umabot sa party kapag nagtagal pa ito.
"Pakibilisan naman oh. Baka hindi na ako makaabot."
"Ano ka ba! Until midnight naman ang party. Don't worry. Mahihintay ka ng lahat." Hayy... Katagal talaga ng babaeng ito.
"Okay fine. Basta bilisan mo na." kahit ano talagang gawin kay Candice, napakatagal talagang kumilos ng babaeng ito.
*Knock* *Knock*
Oh.. Sino naman kaya ito?
Biglang sumilip si David.
"Ohh.. Oppa, you're here." sinusundo na nito ang muse niya sa gabing ito.
"Where's Candice? She isn't done yet?" he asked.
"Paano ba naman, ang tagal taga..." hindi ko na natuloy ang sinabi ko ng lumabas bigla si Candice mula sa kwarto namin at tinakpan nito ang bibig ko.
"I'm done. Let's go." sabi ni Candice. At nang bitawan niya ang bibig ko, inambaan ko ito. Kainis!
"We're going. See you Clarisse." sabi ni David. Ano ba yan? Ako nalang mag-isa dito at 7PM na. Kailangan ko ng bilisan dahil baka masobrahan ako sa late.
Pagpasok ko sa kwarto namin. Hinanap ko agad yung bag ko kung saan nandun yung mga damit kong susuotin. Naisipan kong magsuot ng dress na binili sa akin ni Kerwin. Ito yung damit na nakita ko nung una at talagang nagustuhan ko. Kaya ito ang napili. Ang cute cute kasi eh.
Mabilis kong sinuot yung dress at umupo muna ako sa salamin at naglagay ng kaunting powder at lip balm. Hindi ko pa nasusuot ang sapatos ko ng biglang may tumuktok na naman sa pinto.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...
![Ms.Extra [Ongoing Series]](https://img.wattpad.com/cover/3528337-64-k589210.jpg)