Chapter 30
*His Ex*
[Clarisse's POV]
Oo wala talaga akong magagawa at sobrang sayang talaga nitong pagkakataon na ito. Edi sana masaya na ako sa kanya. Pero paano naman ang pamilya ko? Ipapaubaya ko nalang talaga.... Sana lang hindi mainlove si Cindy at baka maging mag BEST ENEMY kaming dalawa... Patay talaga siya sakin. Nireplayan ko naman siya.
To Crush
Oppa wag nalang ako. Pero may alam akong makakatulong sa iyo. At pwedeng magpretend na girl friend mo.
Nakakapanghinayang yung pagkakataon na ito pero wala eh. Wala akong magagawa kundi sumabay nalang sa agos. Ganito talaga siguro hindi pa ngayon yung right time.
*Bell rings*
Start na ang classes. Tumakbo na kami ni Cindy para mabilis kaming makarating sa room. Umupo kami dun sa mga upuan namin. Katabi ko si Cindy at sa gilid ko si Kerwin at sa tabi ni Kerwin si Kevin. Nagsimula ng magdiscuss at bigla akong kinausap ni Kerwin ng pabulong.
"Sino yung sinasabi mong makakatulong sakin?" oo handa na akong sabihin sa kanya... Ako nalang pwede? Tiningnan ko muna si Kevin buti nalang at nakaearphones ito at hindi maririnig ang sasabihn ko. Hininaan ko pa yung boses ko.
"Si Cindy, kailangan din niya kasi para makabuo siya ng plano." naguluhan naman si Kerwin.
"Si Cindy? Anong plano niya?"
"Mamaya ko nalang sa iyo papaliwanag." tumahimik na siya at nakinig sa discussion. Bumulong bigla si Cindy.
"Bessy, nagtext na yung nagmamanage nung The Next sabi niya gagawin ka niyang isang barista doon sa bar, Okay lang naman daw kahit wala ka pang experience as long makapagserve ka ng ayos." kayang kaya ko na siguro ito. At panigurado hindi ako mahihirapan. Buti nalang talaga at nagkaroon ako ng trabaho.
"Magstart na daw yung work mo today." totoo ba ito? Yes! Extra income na ito at makakatulong ako kay mama. Ang saya talaga ng araw na ito.
"Ms.Hernandez and Mr.Standford." bakit ba kami palagi? Ano bang problema ng mga teacher samin. Tumayo na kaming dalawa.
"Kayo yung dalawang napiling maglead para sa DanSing na competition para sa gaganapin na Science Fair at dahil ako ang Dance and Music teacher niyo kinakailangan niyong magsimula ng practice bukas." what? Ano ba yan! Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako bukas dahil Saturday. Hayy... buhay nga naman. No choice, wala ng atrasan ito.
"Ne ma'am!" bakit ko nasabi iyon. Nagtawanan tuloy yung mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
Lãng mạnSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...