Chapter 23 *Mission*

338 7 0
                                    

Chapter 23

*Mission*

[Clarisse's POV]

Mukhang napakasaya ni ma'am Elisa sa kanyang birthday. Pero ang nakakapagtaka ay nung yakapin siya ni Jason. Ano kayang meron dun sa mga yun? Baka meron silang teacher-student relationship. Oh my G! Nevermind nalang. Atsaka deadmahin ko nalang ulit si Jason. Hindi sa pagiging mean. Pero siya nga diyan ang weird niya eh. Matapos niya akong tulungan tapos wala lang para sa kanya. Hay ano ba yang pinag iisip ko. Erase Erase. Well, ang gulo gulo talaga ng mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa mga taong nakapaligid sakin. Hmmpp.

*Ting*

I have a plan but first kailangan ko ng katulong para sa mission kong ito. Hmmm... Sino pang aasahan ko kundi ang nagiisang bessy ko. Si Cindy. San ko kaya siya mahuhunting ngayon? Kasi naman si bessy umalis agad pagkatapos ng class namin. Sabagay break naman namin eh. Ano kayang ginagawa nun? Matawagan nga.

Ouch! napabagsak ako ng malakas at masakit talaga as in.  May nabangga na naman ako. Katangahan ko kasi eh sa gitna ng walkway tumatambay at tumatawag.

Ang nakakagulat pa dumire-diresto lang sa pagtakbo yung lalaking nakabangga ko. Ano ba yan? Playground ba ito para tumakbo siya? Teka teka si Kevin yun ah. Yung leader ng frat dito sa school. At isa pa siya yung nananakot kay Cindy. Yun lang ang alam ko tungkol sa kanya at wala ng iba.

Pinulot ko na lahat ng gamit kong nagkalat sa sahig. Kinuha ko yung cell phone ko para tawagan si Cindy.

*Ringgg Ringgg*

"Hu hu hu. Hello?"parang pagod na pagod si Cindy.

"Bessy? Are you okay? Hingal na hingal ahh. PE niyo ngayon?"

"Hindi wala lang. Bakit ka nga pala tumawag?" wow ha? wala pa yan sa lagay na yan. Eh para nga siyang sumali sa marathon sa lagay na yan eh. Nakakalungkot lang kasi hindi ko na siya nakakasama ng madalas.

"Bessy, can you help me?"

"Help? In what?"

"Let's meet at the garden after our class. Okay." binaba ko na para hindi na siya makareact, baka maginarte pa eh. Minsan ko na nga lang siya makasama.

Pumunta na ako sa classroom namin. Pero nagtataka ako dahil wala na naman ang loka. Ano na namang ginawa nun? Hindi na nga siya nagkukuwento sakin tapos palagi pa siyang absent. Hay nako. I'm going to wake up her. Wala ata sa sarili eh.Dumating na si Mr. Sylvestre para magturo ng Math. Buti madali lang ang trigo. Natapos ang class namin ng hindi sumasakit ang brain ko. Pupunta na ko sa garden tiyak na nandun na si Cindy.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon