Chapter 26
*Girls in Trouble*
[Clarisse's POV]
"She's my girlfriend...."
Ano daw? Girlfriend? Yun lang pala eh... What? Girlfriend? Baliw na ba ito? Tiyak na binubuwisit lang ako ng lalaking ito. Gumaganti siguro dahil sinabihan ko siyang gay sa facebook. Atsaka bakit sa harap pa ng maraming estudyante sinabi niya iyon. Mukhang pinagtitripan lang ako nito ah.
Nagulat ako ng biglang kunin niya ang kamay ko at hilahin. Habang tumatakbo siya at hila hila ako napatingin ako sa mukha niya. Mukhang nageenjoy ang lokong ito ha. Trip lang talaga toh. Lakas mangbuwisit grrrr... Teka san ba ako dadalhin ng lalaking to?
Namalayan ko nalang nandito na pala kami sa garden, Takte talaga tong lalaking ito. Pinagod pa ako sa pagtakbo. Pwede naman niyang sabihin sakin na sa garden kami pupunta. May mga estudyante pa ding dumadaan dun sa garden na yun. Naalala ko hawak hawak pa rin niya yung kamay ko. Binawi ko iyon mula sa pagkakahawak niya.
"Ano bang problema mo? Ang lakas mo ding mang-asar noh? Kailan mo ba ako titigilan?" binungangaan ko agad siya. Paano ba naman kasi kung ano anung pinagsasabi panigurado kalat agad ito sa buong school bukas. Paano na yan? Hindi ko alam ang gagawin ko.
"You're my girlfriend. Right? Baby girl?" sabay ngiti. Ano daw? Baby girl? Putakte talaga itong lalaking ito. Mukha atang hinahamon ako nito. Gusto ba niya makakita ng dragon na bumubuga ng apoy ngayon? Wait wait... ang daming estudyanteng nakatingin samin. Anong gagawin ko? Babawian ko nalang toh. Asaran pala ha!
"Baby boy, ikaw naman kasi eh. I really hate you! Magsama kayo ng Candice na iyon!" nakita ko sa mukha niyang nagulat siya. Nilakasan ko talaga para marinig nung ibang estudyante. Samot saring boses yung narinig ko at nakakatiyak akong masama na ang tingin nila kay Jason. Yes! Pero ngumiti nanaman ito sakin na parang may masamang mangyayari.
"Nagkataon lang na kinukulit ako ni Candice atsaka ikaw lang naman diba? Baby girl." What the? Nakakabuwisit na talaga ito. Gusto ko na talagang tumakbo palayo. Kaso nakakahiya naman sa mga estudyanteng nakikiusyoso baka sabihin nagpapatalo nalang ako basta basta at echosera lang ako.
"Puwes magsama kayo. Ganyan ka naman eh." kung ano anu nalang talaga ang lumalabas sa bibig ko parang sirang CD na kung ano nalang ang masabi. Gusto ko lang naman talagang asarin din siya eh. Gusto ko lang siyang buwisitin tulad ng pambubuwisit niya sakin.
"Sorry na. Baby girl naman. Ikaw lang talaga." OMG! Ano ba ito! Hindi pa din siya tumitigil nakarinig pa ako ng mga bulungan at malinaw na malinaw sakin ang mga iyon.
Ano ba tong si Clarisse, pa hard to get? Echoserang baboy.
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomantizmSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...