Chapter 27 *Problems*

333 5 3
                                        

Chapter 27

*Problems*

 

[Clarisse's POV]

"Bessy, magugulat ka sasabihin ko." ano naman kaya yun? curious na talaga ako dito sa babaeng ito ha. Masyadong maraming nareresearch...

"Si Candice at Dave, mag-on pala sila." what? agad agad sila? Joke niya lang siguro toh.

"Joke ba yan? Wag mo akong biruin ng ganyan bessy ha." 

"Totoo ang sinasabi ko. Promise. Hindi mo na ba ako pinapaniwalaan ngayon?" napanganga nalang ako nung sinabi niyang totoo daw yun. Naniniwala na talaga ako atsaka hindi marunong magsinungaling si Cindy.

"OMG!" napasigaw nalang ako. Naalala ko palang nasa restaurant kami. Ang awkward tuloy lahat ng customer doon tumingin sakin.

"Sorry... Mag-on sila samantalang wala namang kinukwento si Oppa tungkol sa kanila, paano mo nalaman?" totoo. Wala talagang nakwento sakin si Dave tungkol sa relasyon nila ni Candice. Kaya nga ako nagulat eh. Atsaka hindi ko man lang nalaman yun at si Cindy pa talaga ang unang nakaalam nun samantalang ako ang mas close na kaibigan ni Dave. Syempre na-curious na din ako kung pano niya nalaman.

"Kanina kasi sa loob ng gym pumasok si Candice doon na umiiyak at habang pinapatahan namin siya sinabi niya kay Dave na BABE." ohh? Bakit siya umiiyak? Dahil ba yun sa nangyari kanina... Hindi pwede baka kung ano nanamang gawin sakin ng babaeng yon! Medyo kinabahan ako. Pero natutuwa din ako para kay Oppa dahil nagkaroon na siya ng pagkakataon.

"Talaga? Nakagawa na pala ng first move si Dave." bilis niya ha! At hindi ko talaga nalaman yun. Ang galing magsikreto ng lokong yun ha.

"Ikaw naman bessy bakit kayo magkasama ni Jason kanina?" yan na nga ba eh. Tiyak na tatanungin niya yan sakin. Wala namang nakakalusot na tsismis dito kay Cindy eh. Lalong lalo na kapag tungkol sa akin. Pipilitin ka niyang umamin. Wala na akong magagawa sabihin ko nalang siguro yung totoo sa kanya. Maasahan ko naman itong bessy ko eh.

"Ahh kasi bessy. Binubuwisit niya ako. Sinabi niya na girlfrend niya ako." lumakas yung sigawan at napansin kong parang natulala si Cindy. Anong nangyari dito? At parang biglang nagblanko yung mukha niya.

"Clarisse, let's go." yan lang yung narinig ko matapos siyang matulala. Hindi ko alam kung bakit? Parang nakakita ng multo. Umalis na kaagad kami dun sa restaurant. Sayang nga yung pagkain hindi ko naubos. Sumakay na kami si kotse. At walang kaimik imik si Cindy. Ano kayang nangyari dito? Wala siya siguro sa mood. Hindi ko muna sa kanya tatanungin kung anong nangyari sa kanya.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon