Chapter 17 *Flashback*

358 7 0
                                    

Chapter 17

*Flashback*

[Kerwin's POV]

That eyes, nose, lip, hair and the whole of her.

I can't easily forget her.

She is my everything, she is my...

Candice...

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa eco park kung saan niya ako sinagot. I'm waiting for her to come. This day was so special for both of us, this day is our 3rd anniversary. I don't know what is special with her that I easily fell in love, I just know that she is my everything.

Suddenly, someone flashes reflection in the riverside, and finally she come.

Back then, while I was studying in States I met a girl with a bright and pleasing personality. Nakita ko kagad yung kagandahan sa loob niya. Hindi ko ini-expect na magiging close kami.

One day kasi aksidenteng nagkabanggaan kami and nalaglag lahat ng gamit niya habang pinupulot namin iyon nakita ko yung pendant niya na may naka-engraved na hello kitty, hingi ako ng hingi ng sorry sa kanya. Hanggang sa makulitan siya sa akin at ang sabi niya para daw matanggap niya ang sorry ko i-treat ko nalang daw siya ng lunch. After that lunch akala ko matatapos na lahat ng iyon. Nasundan pa iyon ng maraming beses at naging mag-close friends nga kami. At nagkapalagayan ng loob sa isa't isa. Nagkagusto na din pala siya sakin kaya ng malaman ko iyon todong effort na yung ginawa ko para sa kanya. At naging kami nga.

I was so luck to have her. I'm lucky to have Candice...

"Oh, baby finally you come.Happy anniversary!"

Sabay dukot ko sa bulsa ko para kunin ang regalo ko sa kanya, that was a ring balak ko kasing mag-propose ngayon sa kanya, kahit na mag-antay ako ng matagal para lang pakasalanan niya at least engage na kami.

Hindi siya sumagot.

Tiningnan ko lang siya sa mukha, may nakita akong lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang lungkot sa mga mata niya, pero alam kong may dahilan iyon. Itinago ko sa palad ko yung regalo ko.

"Baby, are you okay? Is there anybody wrong? May nangyari ba?"

Hindi siya sumagot.

"Sagutin moako, bakit ang lungkot mo?"

Napatigil ako ng biglang tumitig siya sa akin. Biglang tumulo ang mga luha niya. Huminga siya ng malalim at pinahid ang mga iyon.

"Babe,I’m sorry…"

"For what?"

"Matagal ko ng pinag-iisipan ito kung sasabihin sayopero natatakot ako, baka mawala lahat ng sayang nararamdaman nating dalawa. Pero dumating na yung araw na ito."

"Ano yun? Hindi kita maintindihan."

"Kerwin, I need to say goodbye."

Pumatak ang mga luha niya.

"What?"

"Kerwin, matagal ko ng gusting sabihin sayo na magma-migrate na ang family ko sa Philippines at wala ng chance pang bumalik kami dito. I’m so sorry kung matagal kong inilihim sa iyo ito."

"Candice, bakit? Bakit mo ako iiwan ng basta basta nalang?"

"I’m so sorry Kerwin, sobrang sakit din para sakin na iwanan ka. Hindi ko ito ginusto, wala lang talaga akong magawa."

"Candice, bakit mo pa nilihim sakin. Ang sakit sakit."

"I’m so sorry Kerwin."

Biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya iyon sa bulsan niya at sinagot iyon.

"Yes, dad I will  be there in just a minute."

"Kerwin, I need to say goodbye."

Pumatak ang mga luha niya. Tumalikod at tumakbo na siya palabas ng eco park.

Hindi ko namamalayang pumapatak na rin pala ang mga luha ko at sinabayan pa ng kalangitan ang pagdadalamhati ng puso ko sa pagbagsak ng mga ulan naiwan ako doon na nakaluhod at lumuluha… Binuksan ko ang box ng singsing nadala ko, iyon ay may naka-engraved na hello kitty, na para lamang kay Candice…

*End of Flashback*

Umiwas ako ng tingin kay Candice dahil parang bumalik lahat sa alala ko ang mga nangyari. Lumapit ako kay ma’am at umupo na si Clarisse sa upuan niya.

"Ma’am, I’m so sorry, I’m late."

"Mr.Vergara, stay in the principal’s office I will talk to you and Mr. Standford later."

"Okay. Ma’am."

Lumabas na ako ng classroom. Pero bakit kahit nakalayo na ako at hindi ko naikita si Candice, ramdam ko pa rin ang sakit. Akala ko nakalaya na ang puso ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Nararamdaman kopa din ang sakit.

Hindi ko alam ang gagawin ko…

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon