Chapter 40 *Rumor*

196 5 0
                                    

Chapter 40

*Rumor*

[Clarisse's POV]

"BAKIT… BAKIT..  JASON????.."

Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin. Naku! Panigurado binubwisit nanaman ako nito! Napakawalang hiya talaga ng lalaking ito. Wala talagang pinagtatandaan. Bahala na nga siya! Naglakad na ako palayo. Gusto kong mapag-isa eh.

Mabuti nalang at walang tao dito sa garden. Oo nga pala malapit na ang Christmas break. Ano kayang magandang gawin sa mga araw na iyon? Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko at sinimulan ko ng magsulat.

"Things to do this Christmas Break, ano kaya?... Ahh alam ko na. ang number one ko ay SPAZZ. Hahaha !"

Mawawala ba yan sa listahan ko. Ang mga mahal kong KPOP ang uunahin ko sa lahat haha ! Nagpatuloy na ako sa pagsusulat...

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dun...

[Jason's POV]

Ang gulo gulo na talaga. Bakit ko ba nagagawa yung mga bagay na iyon? Siguro nga natutuwa lang akong pagtripan siya in terms of pagiging malapit sa kanya. Siguro mas marami akong malalaman if magiging malapit kami sa isa't isa at wala lang talaga yung nangyari kanina.

Teka teka, kanina ko pa din hinahanap yung Clarisse na yun ah. San na ba nagpunta yun?

Nakita kong papalapit si Cindy at Candice.

"Ahh.. Girls, nakita niyo ba si Clarisse?"

"Jason, hindi nga eh. Kanina pa kami magkasama ni Cindy pero hindi pa namin nakikita si Clarisse."

"Wag mong sabihing may ginawa ka nanaman sa bessy ko? Naku Jason sinasabi ko lang sayo na kapag may nangyaring masama sa bessy ko. Makakatikim ka ng Flower Power."

"Flower Power? Ano naman yun?"

"Capital N-V-M." Nagtawanan pa ang dalawa. Pati ba naman si Candice nahawa na din sa kabaliwan ng Cindy na ito.

"Hahanapin ko nalang siya. Maiwan ko na kayo." Naglakad na ako palayo sa kanila. San ko nga ba mahahanap ang Clarisse na iyon? Baka nasa canteen? Kumakain na naman siguro.

Nandito na ako ngayon sa canteen. Pero wala naman si Clarisse dito eh. San ba talaga nagpunta yung babaeng iyon?

"Jason." tumingin ako sa likod ko para tingnan kung sino yung nagsalita. Si Kerwin pala. Ano nanaman kaya ang sasabihin ng mokong na ito.

"Oh?" matapang na tingin yung binigay niya sakin. Napakaseryoso talaga ng taong ito. Parang napakadaming iniisip.

"Mag-usap tayo." Ha? Ano namang pag-uusapan namin nito? Naglakad na si Kerwin. Sinundan ko nalang ito. At umupo sa isa sa mga upuan dun sa canteen.

Tumingin ito sa akin. Magyayabang ba sakin ang lokong ito? Baka hindi niya alam kung sino ang kinakausap niya ngayon.

"Jason, tungkol kay Clarisse." ha? Tungkol kay Clarisse. Ano nanaman kaya ito? Sasabihin nanaman niyang gusto ko... Ahh wala siguro sasabihin niyang lubayan ko si Clarisse. Yun na naman siguro.

"Ano yun?"

"Gusto ko kasi si Clarisse. Pwedeng hayaan mo na siya sakin?" mukhang gustong gusto talaga ng lalaking ito si Clarisse.

Ms.Extra [Ongoing Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon