Chapter 29
*Love Polygon?*
[Candice's POV]
Napakawalang hiya nila! Lalo na yung Clarisse na yon! Ang sarap ipalapa sa buwaya! Ang sasama nila! Pinagkaisahan nila ako! Mga hampas lupa... Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak dahil sa ginawa nung dalawang iyon. Nandito ako sa garden. Bakit ba kasi yung babaeng iyon pa yung ginawang girlfriend ni Jason eh! Ang pangit pangit naman nun! Baboy pa! buwisit talaga!
"Candice..." tumingala ako sa nagsalita. Si Dave iyon... Hindi ko nanamang napigilang humagulgol! Nagulat ako nung umupo ito at kinuha yung mukha ko para doon ako umiyak sa balikat niya.
"It's okay...." hinagod pa niya ako sa likod na nagpalakas pa lalo ng pagiyak ko. Bakit ba ganito? Ang sama sama sakin ng kapalaran. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sakin. Lahat ng sakit napunta sakin.
"T....thank y.....you Dave...." Buti nalang at nandito si Dave palagi sakin. Sa tuwing nalulungkot ako nandito siya para masandalan ko. Naalala ko pala kahapon nung ihatid niya ako sa bahay namin. Wala man lang siyang imik. Hindi man lang nito tinanong kung ano ang nangyari sa akin at kung bakit ko siya tinawag na babe....Siguro time na din para magmove-on ako....
"Dave..." tumingin siya sakin. Siguro panindigan ko na ito. Wala ng atrasan toh.
"I think I like you..." gulat naman yung pumalit sa mukha niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko at siya nalang ang option ko para layuan si Kerwin.... Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap...
"Candice... I like you too." what? Totoo nga ang hinala ko. May gusto siya sakin. Wala na akong choice kundi panindigan ito para makamove-on din ako. Siguro makakatulong na din siya para makalimutan ko ang nakaraan namin ni Kerwin....
[Cindy's POV]
Hinalikan niya ako...
This is my first kiss... Hindi ito tama eh. Maling mali talaga! Hindi ako dapat halikan ng lalaking manloloko! Ginagamit niya lang ako! At ang tanga tanga ko dahil hindi ko agad iyon nalaman! Umatras ako sa kanya at tumalikod para maglakad na pauwi.
Hindi ko na napigilang umiyak. Lahat ng ito kasinungalingan at hindi na ako dapat maniwala sa lahat ng sasabihin ni Kevin... Pero bakit hinalikan niya ako ngayon? Siguro panibagong plano nanaman niya ito at hinding hindi na talaga ako magpapaloko. Masakit palang isipin na hindi ka mahal ng mahal mo. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para makaiwas sa kanya. Lalo lang akong nasasakan eh...
"Ma'am..." hindi ko na pinansin si Kuya Rico. Pumasok agad ako sa kotse at doon ako umiyak. Wala na akong pakialam basta ang alam ko ngayon nasasaktan ako at mali lahat ng ito. Maling nagpagamit ako, maling nagpakatanga ako at maling minahal ko siya... Tinext ko si Clarisse para magpatulong. Hindi lang basta siguro tulong ang kailangan ko... Kailangan ko ng pamalit....
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...