Chapter 25
*Success or Fail?*
[Clarisse's POV]
Nandito ako ngayon sa bahay namin at maaga akong nakauwi. Mabuti nalang at nakapagusap kami ng bessy ko at nasabi ko sa kanya ang first plan namin. Sinong uunahin ko? Si Kerwin o Jason? Ahh alam ko na si Nichkhun muna. Kinuha ko na yung earphones ko para magsoundtrip. Ang ganda talaga ng boses ng future husband ko hayy Nichkhun kailan kaya kita makikita? Okay. Si Kerwin muna ang uunahin ko tutal naman medyo marami na akong alam kay Jason at kay Kerwin wala pa talaga as in. Ang alam ko lang kung saan siya nakatira at ang buong pangalan niya. Kinuha ko na yung laptop ko at inopen ko yung facebook ko. Siguro naman nagfafacebook ang mga iyon.
Nagsimula na akong magtype. Kerwin Vergara...
Loading...
Buti nalang nakita ko agad yung profile niya. Pero nakaprivate iyon. Bukod sa Full name niyang nakalagay ang nakita ko lang ay yung age niya at yung address niya sa states. Wala ng nakalagay dun. Ano ba yan si Kerwin napaka-private talaga ng taong toh. Tinitigan ko nalang yung mukha niyang pang anghel at ang pogi pogi talaga niya. Hayy... Kerwin... Medyo maharot. Hayaan niyo na minsan lang eh.
Pinindot ko na yung "Add Friend". Alam ko naman aaccept niyan ako eh. Ako pa? Malakas ako diyan kahit new friends pa lang kami. Siguro dahil magaan ang loob ko sa kanya pati siya magaan din ang loob sakin kaya naging magkaibigan kami agad agad ng walang balakid :D
Okay. Search ko naman si Jason. Siguro naman hindi yun nakaprivate. Siguro mas gusto pa nun ang ilantad ang mukha niya sa public at makita ang kagwapuhan niyang.... gwapo? Basta buwisit siya hindi ko siya maintindihan. Bahala siya sa buhay niya. Nagsimula na akong magtype.
Jason Standford. Loading...
Lumabas agad ang mukha niya. Sobrang daming mutual friends. Ako kasi add lang ako ng add kaya siguro marami na akong friend sa FB na galing sa school namin. Sa FB lang ha. Ayokong magassume na in real life. Hayy naku! Pinindot ko na yung profile niya.
Buti naman at hindi nakapublic. Maraming info ha. Nakita ko yung name niya, age, birthday, address, school atsaka marami pa dun. Pati yung mga likes na ginagawa niya. Nagscroll down pa ako. Nakakita pa nga ako ng isang likes sa page na "I hate Rats" haha! Bakla talaga takot sa daga wahahaha!
Ha? Sa Ilocos din ang province niya? San naman kaya dun? Well, coincidence lang yan kaya pareho kami ng probinsiya. Wait wait .... Si ma'am Elisa toh ah. Bakit may picture silang dalawa? OMG! Totoo na ata ang hinala ko? May teacher-student relationship sila?
Tiningnan ko yung iba pang picture. Ang sweet nilang dalawa parang magjowa. Napatingin ako dun sa name ng album at ang nakalagay "Happy Birthday Ma'am". Ahh baka ilusyon ko lang yung magjowa ang dalawa. Baka naman masyado lang natuwa si Jason dahil sa birthday ni ma'am ay masaya ang lahat. Atsaka may picture din yung mga ibang classmates ko. Pero bakit silang lahat may picture tapos ako wala? Okay wag ng magpakaechosera, wala naman akong pakialam eh.
Nagsearch pa ako. Kahit second year high school ko pa siya classmate. Marami din palang sikretong hindi ko alam itong Jason na ito. Sabagay ang gusto lang namang gawin sakin nito ay asarin at asarin at asarin at wala ng iba. Paano ko naman malalaman ang buhay ng mokong na ito. Pinindot ko na yung "Add Friend". Tapos may parang nagalert tone. Nakita kong may notification ako. Ano naman kaya yun? Pinindot ko at nagulat ako nung nakita kong inaccept agad ni Jason yung request ko. Ibig sabihin kanina pa siya nakaonline. Hala? Baka sabihin nito stalker ako at tinitingnan ang profile niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3528337-288-k589210.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms.Extra [Ongoing Series]
RomanceSi Ms.Extra ang fulltime extra sa lahat ng bagay. Ginawa na niya ang lahat para makapasok sa Heartstring Academy para mabago ang environment na ginagalawan niya. Nang makapasok siya sa Heartstring Academy mukhang mali ata ang school na napasukan niy...