Kabanata 29
I Can
"Oo, alam ko po, huwag kayong mag-alala. Maayos lang ako. Maya nalang kayong tumawag. Busy pa ako." Sabi ko kay Tita Kreshia, ang kapatid ng Daddy ko, at saka pinatay kaagad ang tawag.
After that, bumalik ulit ako sa kakahugas ng plato dito. Kaagad naman akong napatampal sa noo ko nang mag-ring ulit ang cellphone ko. Seriously? Minu-minuto, kailangan ba talagang may tumawag sa 'kin? Kanina si Tita, ngayon naman, ang Ate ko.
"Oh? Ano?" Bungad ko. Inipit ko pa ang cellphone sa balikat ko habang nagbu-bunlaw ng plato.
"Anong oras na 'to? Pumunta ka na sa klase mo. Male-late ka na. 12 pm na, diba 1:00 pm 'yong start sa afternoon?" She reminded me. Hindi niya talaga nakakalimutang sabihin 'to sa 'kin. Tatawagan niya talaga ako kahit na busy ako dito.
"Hindi pa tapos ang ginagawa ko dito. May trabaho pa ako." Matamlay kong sagot.
"Bitawan mo na 'yan, kailangan mo talagang mag-aral. Sige na, Roux. Pumunta ka na ng University mo." Pagpupumilit pa ni Ate. Maririnig ko pa sa boses niya kung gaano siya ka-desidido na pabalikin ako sa pag-aaral dahil nawalan na ako ng gana.
"Aral-aral, ano ako? Bobo? Sige na, kailangan ko kasing mag-trabaho, e. Malapit na talaga 'tong matapos. Huwag mo na kasi akong tawagan talagang hindi matatapos 'tong ginagawa ko. Minu-minuto, tawag ka ng tawag, e." Suway ko.
Talagang bumabagal ako dito dahil marami ang mga tumatawag sa 'kin, telling me that I should get back on studying. Oo, mag-aaral naman ako! Pinagsasabay ko lang naman 'yong trabaho ko at saka pag-aaral ko dahil wala akong pang-gatas sa anak ko. Ang lakas pa namang uminom 'yon, kaya hindi siya kuntento sa iisang inuman lang. Kailangan ko pa siyang timplahan ulit. And then, paubos na rin 'yong gatas niya doon, e. Psh, wala pa akong hawak na pera ngayon, nakakainis.
"Mag-aral ka nalang, huwag ka nalang mag-trabaho. Papadalhan nalang kita ng pera. Huwag kang mag-alala, maya't maya, matatanggap mo na."
"Huwag na, may anak ka rin. Kailangan mo ring suportahan ang anak mo," sabi ko sa kaniya at pinagpatuloy 'yong ginagawa ko. "Sige na, bye na! Papatayin ko na 'to, ah." I was about to end the call, pero kaagad niya akong pinigilan sa pag-sigaw niya.
"Mag-aral ka! Bitawan mo muna 'yang trabaho mo at saka pumasok ka sa University!" Pasigaw ni Ate. Ang sakit ng ear drum ko, ah!
"Oo, nga! Mag-aaral naman ako! Hintayin ko muna akong matapos dito, baka magalit ang boss ko." Bwelta ko. "Nakakainis ka, Ate. Huwag ka ngang feeling mayaman. Huwag mo na akong suportahan dahil ako na ang susuporta sa anak ko. At ikaw, suportahan mo rin ang sarili mong anak. Nakakainis. Makapagbigay ka sa 'kin, akala mo naman ang yaman-yaman mo." Sabi ko pa.
"Hindi naman sa 'kin 'yon, sa kamag-anak natin 'yon. Tanggapin mo nalang, bakit ikaw? Maganda ba ang pasahod diyan sa fast food? At isa pa, huwag ka ngang mag-tapang-" bumuntong hininga ako dahilan para maputol ang mga sasabihin ni Ate.
"Sila na nga ang nagpa-paaral sa 'kin pagkatapos anong in-expect mo? Na sa kanila rin ako aasa, para buhayin ang anak ko? Hindi mangyayari 'yon, no. Mag-pride nga akong babae, Ate. Kaya huwag mo namang ipaapak sa iba ang pagka-tao ko." Humihingi ako ng pag-intindi. Sobra-sobra na 'yong hinihingi ko sa mga kamag-anak namin. Ayaw ko ng dumagdag, maliban sa nakakahiya, pakiramdam ko ay inaapakan pa ang pagka-tao ko. Nakakainis kaya 'yon. Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil kahit na pang-gatas manlang ay wala akong maibigay.
"At isa pa, tumawag kanina si Tita Kreshia sa 'kin. Kinamusta niya ako." Dagdag ko pa. Nanatili parin akong naghuhugas ng pinggan.
Talagang pagod na ako, napapagod na ako sa ginagawa kong 'to, sa punto na gusto ko na sanang ipaampon 'yong anak ko pero hindi magawa, e. Pakiramdam ko, mas lalo lang akong mahihirapan kapag lumayo pa ang anak ko sa sa 'kin. Lalong-lalo na, ayaw kong makita na mas naaalagaan pa ng ibang tao 'yong anak ko kaysa sa 'kin, ang sakit lang isipin. Damn it, ang hirap talaga, kapag talagang makina lang 'tong katawan ko, hindi talaga ako magda-dalawang isip na pindutin ang 'pause' button para naman may pahinga ako. . . But what can I do? I'm a human, not a machine. I can't restart, undo, pause, edit and even cut my life. . . The only thing that I can is to continue, continue with this fucking life, kahit na ang hirap-hirap. Syempre, hindi ko naman nakakalimutan ang mag-dasal. Sa kaniya naman talaga ako humuhugot ng lakas maliban sa anak ko.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...