Kabanata 1
Part-Time
"Sinasabi ko nga sa'yo, kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo. Gusto mo, bigyan kita ng black eye?" Mahinahon kong tanong kay Lei, ang pinahiya ako sa facebook. Ang ilang mga babae dito sa University ko, 'pag galit sila sa'kin, dinadaanan talaga nila sa social media!
Nandito kami ngayon sa girl's cr. Dalawa lang kami. Ayaw ko naman talaga ng gulo, gusto ko lang siyang kausapin. Kapag ayaw niya, edi ready akong sabunutan siya kahit anumang oras.
May problema siya sa'kin... ang hindi ko alam, pinakalat niya sa facebook ang mukha ko. Inagaw ko daw ang boyfriend niyang pangit!
Boyfriend niyang mukhang si voldemort. Social media 'yon e, paano nalang kung makita ni mama 'yon? Mabuti nalang at walamg facebook si mama, lagot talaga ako kapag mayroon!
Si Jade, ang bestfriend ko, mismo ang nagsabi sa'kin no'n. Noong una, akala ko nagbibiro lang siya pero no'ong ipinakita na niya sa'kin. . . Tangina, kumulo ng sobra ang dugo ko.
Hindi ko talaga palalagpasin ang ginawa nitong Lei sa'kin na 'to! Mabuti naman at madali siyang kausap kasi nadelete kaagad!
"Eto na nga, nagsosorry na ako e." Asik ni Lei, ang sama-sama pa ng tingin niya sa'kin. Parang gusto ko nalang siyang sabunutan sa pinaggawa niya sa'kin.
Pero hindi... Ayaw kong magkaroon ng record! Naaawa kaya ako kay mama. Mapagalitan lang ako ng sobra 'pag gano'n. Lalo na't malaki pa naman ang pamilya ni Lei, baka wala lang kaming laban ni mama.
Pero dahil nga ayaw kong palagpasin 'tong ginawa niya sa'kin, kailangan kong gawin! Nilakasan ko ang loob ko para bantaan 'tong si Lei. Mabuti naman at natakot!
"Alam mo namang wala akong gusto diyan sa boyfriend mong pangit, na mukhang voldemort diba?" Tanong ko.
"E bakit kung napapangitan ka sa boyfriend ko, habol ka parin ng habol sa kaniya? Malandi ka kasi!" May diin niyang pagkakasabi.
"Anong ako? Duh, siya kaya ang naghahabol sa'kin kasi maganda ako!" Depensa ko.
"Pinatulan mo naman!"
"Pinatulan ko siya, hindi dahil gusto ko siya. Pinatulan ko siya dahil tangina siya! Nadedemonyo na ako at nakiusap diyan, na tigilan ako." May diin ring pagkakasabi ko.
Hindi na siya nagsalita. Ang talim-talim lang ng pagkatitig niya sa'kin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tumahimik na siya. Ayaw ko ng gulo.
Nang hindi parin siya makapagsalita, tuloy-tuloy na akong lumabas ng cr. Tutal, wala rin naman akong ganang makinig sa mga salita niya. Baka magalit lang ako at masapok ko siya.
"Oh, saan ka na naman galing?" My bestfriend, Jade asked. Nandito na ako sa canteen. Umupo ako sa harapan niya.
"Basta... secret." Tipid kong sagot.
Kapag sinabi ko ang totoo, papagalitan lang niya ako. Para ko siyang mama, parati akong sinusuway sa mga pinaggagawa ko dito sa university. Hindi ko nalang sasabihin ang totoo, maniniwala naman 'ata siya.
"Mamaya, magiging busy ako kaya huwag kang tatawag, ah. Huwag mo akong gamabalain." Pangunguna ko na.
May part time job ako mamaya, pero dahil nga ang clingy ni Jade, baka ay guguluhin lang niya ako. Minu-minuto niya talaga akong tatawagan 'pag gano'n. Hindi ko naman pwedeng ioff ang cellphone ko kasi inaantay ko ang tawag ni mama, 'pag gano'n.
"Anong gagawin? Momol?" Pagbibintang na naman niya.
"Hindi, sira." Umirap ako. "Part time, pupunta ako sa isang restaurant mamaya para magtrabaho. Tuwing gabi ang shift ko. Kaya please, huwag mo akong gambalain."
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Genel KurguRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...