Kabanata 10
Unknown Number
"Piatos lang? Wala bang ibang foods dito sa bahay mo? Or maybe something we can eat?" Reklamo ko kay Jade dahil puros junkfoods nalang ang pinapakain niya sa'kin. Duh, ang daming calories at fats kaya no'n. Kahit na gustong-gusto ko nang umuwi, wala naman akong magagawa, dahil kailangan ko pang tapusin ang by pair naming task ni Jade. Ayaw ko namang abusuhin ang kaibaitan ni Jade, hindi naman rason ang pagkakaibigan namin para abusuhin ko siya, kaya ko siya tinutulungan rito para matapos na 'to.
"Sorry, I don't know how to cook, e. Marami ang mga pagkain rito pero hindi ko alam kung paano lutuin. Gusto ko sanang mag-bake, kaso nga lang hindi ako marunong." Napakamot na rin si Jade sa kaniyang batok. Punong-puno siya ng frustrations. Mukhang dinadamdam niya talaga ang reklamo ko. "What do you think, order nalang tayo sa grab?" She suggested.
Umiling ako. Gastos na naman. "Huwag na, gastos lang. Hindi porket mayaman ka ay aabusuhin na kita." Kaagad akong tumayo sa pagkakadapa sa kaniyang kama at sinuot ang aking tsinelas. "Tara, mag-bake nalang tayo. What do you think? Pagkatapos ay manuod nalang tayo ng tutorials sa YouTube, diba?" Nakangiti kong suhestiyon, nang dahil do'n pakiramdam ko ay ako na ang pinakamatalinong tao sa mundo.
"Pero, baka palpak. Mapagalitan pa tayo ng Mommy ko." Frustated niyang pagkakasabi.
"Walang palpak kapag ako ang gumawa, Besh." Pagmamayabang ko. Pero, gusto ko lang talagang subukan. "Tara, nagugutom na ako. Mamaya pa naman uuwi ang Mommy mo diba? At saka, hindi naman aabot ng ilang oras 'tong pagbe-bake natin." Pagpupumilit ko. Hindi pa nakakasagot si Jade ay hinatak ko na kaagad ang kaniyang braso patungo sa kusina nila.
"STEP 1- Mix butter and sugar and whisk until smooth. Gradually whisk in mashed banana, eggs, vanilla extract, lemon juice, water and ¼ cup Nestle All Purpose Cream. then mix for low medium speed and add the eggs one at a time together with vanilla extract Whisk until smooth."
"Narinig mo ang sinabi ng lalaki sa cellphone? O' I-mashed mo muna 'tong mga saging. Ako na ang mag-mi-mix ng iba pang ingredients rito. Banana cake lang talaga ang pinakadali sa lahat, e, kaya ito ang ginagawa natin." Wika ko kay Jade habang busy ako sa pag-mi-mix ng butter at sugar.
"Xaire, baka palpak 'to, a'. Baka magagalit sila Mommy't Daddy." Kinakabahan nang usal ni Jade pero patuloy parin siya sa pag-ma-mashed ng mga saging sa bowl. "Perfectionist pa naman ang mga 'yon, kahit na magtagumpay tayo rito... Palpak parin 'to para sa kanila kapag hindi 'to naging angkop sa kanilang panlasa."
"Walang palpak sa taong nakikinig ng instructions. Pero pwede talaga tayong pumalpak dahil first-time pa lang naman lang natin 'to e'." Paliwanag ko.
Unknown:
Kamusta ka na diyan?Unknown:
Sana maayos ka lang, Rouxaire.Napakunot ako ng noo nang dahil sa isang text na nagmumula sa unknown number. Sino naman 'to? At paano naman niya nalaman ang number ko? Hindi naman pwedeng 'wrong send' lang 'to dahil binanggit niya pa mismo ang pangalan ko. Mukhang scam naman 'ata 'to, e. Pero kung scam nga lang ba talaga 'to, e, bakit naman niya ako kakamustahin? Duh, close ba kami?
"Xaire, 'andito na sila Mommy. Tara, ipatikim na natin sa kanila 'yong banana cake natin." Excited na pagkakasabi ni Jade, pero kanina, abot-langit ang kaba niya.
Tumango ako. "Tara." Bored kong sabi at inalis ang suot kong apron.
"What's this, Jade?" May pagtataka sa mukha ni Mrs. Azucena, ang Mommy ni Jade. Tama nga si Jade, parang ang perfectionist namang tingnan Mommy niya, mukhang hindi siya natutuwa sa ginawa namin ni Jade.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Fiksi UmumRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...