Kabanata 11

3.4K 218 48
                                        

Kabanata 11

Saved

"Ma, ano ba ang nangyayari sa inyo? Bakit ba ganiyan nalang kayo sa nagdaang mga araw?" Reklamo ko kay Mama, dahil kanina ko pa siya napapansin... Napapansin ko ang kakaibang kinikilos niya. Minu-minuto pang inuubo. "Ma, sabi na ngang tumigil na kayo sa pagta-trabaho dahil ako nalang ang bubuhay sa'ting dalawa." Kahit na ikasisira ng dignidad ko 'yon. Dahil ayaw kong nakikita kang nahihirapan, maayos lang naman sa'kin ang magutom, e.

"Saan Rouxaire? Anong trabaho? Obligasyon ko ang mag-trabaho para sa'yo. Obligasyon ko ang paaralin ka... At obligasyon ko rin ang buhayin ka. Kaya kung pwede lang, huwag ka nang mag-reklamo. Ang gusto ko lang na gawin mo ay ang mag-aral ng mabuti... Naiintindihan mo?" Nang masabi 'yon ni Mama. Kaagad niya akong tinalikuran. Walang-imik siyang umalis sa harapan ko. Siguro, para na rin maiwasan niya ang mga sunod-sunod kong sasabihin.

"Ma, punta lang ako sa grocery. Wala na kasing pagkain." Paalam ko kay Mama. Busy na naman siya sa harapan ng tv. "Ma, aalis na ako, a'!" Paninigurado ko muna bago umalis.

Shampoo... Canned goods... Mga snacks. Ano kaya ang pwedeng bilhin rito? Ang dami ko naman dalang pera. Hindi naman mauubos kaagad 'to. Si Damien kasi, e, parati niya akong ini-ispoiled. Malaki-laki talaga ang binibigay niya sa'king pera. Minsan, parang ako pa ang nahihiya sa pinaggagawa ko kahit na gusto ko naman talaga 'to.

"Rouxaire?" Isang pamilyar na boses.

"Yael? Bakit? Hoy, mabuti nalang at nakita mo ako rito. Ayaw ko pa namang mag-commute mamaya. Sabay ako mamaya sa'yo, a'!" Nakangiting kong pakiusap kay Yael kahit na nahihiya. Talagang ayaw kong mag-commute. Pagkatapos, sure naman ako na pipilitin rin ako ni Yael mamaya na sumabay nalang sa kaniya.

"Hey, buying groceries? Mabuti nga, na nagkita tayo rito." Nakangiting aniya. "Samahan nalang kita? Where are you heading right now?" He added.

"Wala, bibili lang talaga ako ng groceries pagkatapos ay uuwi na rin. Tamang-tama 'andito ka, sa'yo ko nalang ipapabitbit ang mga pinamili ko, pwede ba?" Pabiro ko. Pero sana nga ay um-oo siya. Hindi naman ako gano'n ka-lakas para buhatin 'tong mga pinamili ko na sigurado akong aabot pa sa tatlong plastic.

"Sure... Sasamahan kita." Aniya.

"So? Bakit ka nga palang 'andito? Don't tell me, na sinusundan mo ako rito?" Pabiro ko kay Yael habang dinidilian ko ang aking ice cream. I don't have choice, nagpumilit pa 'tong si Yael na mamasyal na muna bago umuwi. Ako naman, sunod-sunuran dahil sasakyan naman niya ang gagamitin ko para makauwi. Mabuti na rin dahil libre naman niya.

"Hindi kita sinusundan, nag-shopping pa kasi ang pinsan ko kaya sinamahan kita dito... Then I crossed upon you. Masaya ako dahil nakita kita dito." Nakangiti niyang sabi.

"Ah, okay." Hindi ako interesado. Busy ako sa ice cream.

"Saan nga pala ang buhay mo dito sa Iloilo City Proper? Hindi ko pa kasi nararanasan na ihatid ka." Nilunok niya muna ang kinakain niyang sandwich bago ipinagpatuloy ang mga sasabihin. "Para kasing, tinataguan mo ako."

"Hindi naman talaga ako tiga-City Proper, e. Tiga-New Lucena naman ako originally. Pero lumipat lang ako rito sa City Proper para hindi na ako mahirapan, ang hirap kasing mag-commute. Mabuti pa rito sa City Proper dahil malapit lang 'to sa school. Sa University of San Agustin." Mahaba kong paliwanag sa kaniya. At teka? Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kaniya, e.

"Oh? I didn't know that. Deverauex? Is your father a foreign?" Naniningkit pa ang mga mata niyang nakatitig sa'kin. Parehas lang sila ni Damien, kuryosidad talaga sa mukha ko. Sa lahi ko. "Your surname isn't common here in Iloilo. Besides, mukha ka ring foreigner."

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon