Kabanata 19
The Painful Truth
"Sige na, anak. Lumabas ka na ng kwarto mo. Na-end ko na 'tong call sa Ate mo. Lumabas ka na diyan at kumain ng hapunan."
Bumuntong hininga ako at napasimangot. Mapagpumilit talaga. Anong akala niya? After all of those years, akala niya, through videocall ay mapapalapit niya ulit ang kalooban ko sa kaniya? Malabo na sigurong mangyari 'yon. Bakit hindi niya masubukang umuwi rito?
"Bakit ganiyan ka kung umasta kanina? You should have set aside your anger and you should face your sister. Hindi dahilan ang galit mo para ipagkaila mo siya." Ani Mama, habang tahimik niyang hinihiwa ang steak sa kaniyang plato. Gusto kong ma-kausap kayong dalawa." Dagdag pa nito.
"Ma, dapat siya ang humanap ng paraan para makita ako. Hindi 'yong videocall lang. Unfair naman sa'kin 'yon. Pagkatapos, siya pa 'yong kinakampihan mo, hindi naman makatarungan 'yon," depensa ko. Para ko na ring binubuhos ang sama ng loob ko. Tangina, ang sikip parin ng pakiramdam ko kahit na nagparamdam na siya sa'kin. Mabuti nalang at nagparamdam siya, hindi 'yong magtatago nalang siya buong buhay ko.
"Ayaw ko," Giit ko.
"Bakit ayaw mo?" Walang tigil na kakatanong ni Mama.
"Basta ayaw ko." Tipid kong sagot.
"Rouxaire, ano ka ba? Ate mo 'yon." Nararamdaman ko na ang pagtitimpi ni Mama. Kaunti nalang, alam kong masisigawan na niya ako.
"Oo, ate ko siya, pero nagpaka-ate ba siya sa'kin, Ma? Diba hindi." Sarkasmo ko. "Ma, nawalan na po ako ng gana. Aakyat na po ako sa kwarto, marami pa akong gagawin na school projects." Pagdadahilan ko kay Mama para maiwasan ko ang mga susunod pang itatanong niya. Kaagad na akong napatayo.
Damien:
Are you going to sleep?Rouxaire:
Bakit? Hindi ako makatulog.Damien:
What do you want me to do, then.Rouxaire:
SOC, please.Damien:
What the fuck? What do you mean? SOC?May sinabi ba akong mali? Bakit ganito ang ni-reply sa'kin ni Damien? Hindi ko maintindihan! Wala naman akong ginawang masama, a'.
Rouxaire:
SOC as in Sing on Cellphone. Kantahan mo ako.Damien:
But I don't have that kind of lullaby voice, though. Mawawala lang ang antok mo.Rouxaire:
Please.Damien:
I can't... I don't have the voice.Rouxaire:
Tangina, Sex on Chat na nga lang.Damien:
Sure.Rouxaire:
Hayop, 'oo' kaagad kapag gano'n? Leche, ayaw mo ng kantahan pero gusto mo ng lumpungan. Ano ba ang kinuha mong course sa kolehiyo? Major in being horny?Sa huli, um-oo na rin siya na kakantahan niya ako dahil sa kakapumilit ko. Hindi naman gaano ka-panget ang boses niya, sakto lang. Maganda 'yong pakinggan at nakakagaan sa pakiramdam. Nang dahil do'n, paunti-unti ko nang sinirado ang aking mga mata... Hindi ko namalayan na dinalaw na pala ako ng antok habang pinapakinggan ang boses niyang, mala-Bruno Mars, sa cellphone ko.
"Nakatulog ka ba kagabi? Ako kasi hundi," pag-kwento ni Damien sa'kin. Papunta kami ngayon sa beach para mag-date. Si Damien, gusto niya kasi na mag-date kami. Halos araw-araw na kaming nag-dedate e. Kapag 'yon ang gusto niya, I just gave him that. Wala namang mawawala, e. Masaya naman ako kapag kasama ko siya.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...