Kabanata 35
Ten Million
"What are you doing? Why are you looking at me like that? Stop it, it's not funny." Utos ko kay Damien. Kanina ko pa napapansin na pinagmamasdan niya ako habang nagluluto ako.
"Why didn't you bring Skynette today? Ang sabi ng mga staffs mo, araw-araw ay nandito si Sky." He asked.
Fuck, the audacity to blame me. Kung magsalita siya, akala mo kung sinong nag-uutos. Anong akala niya sa'kin, sunod-sunuran? He really is a shit.
"Ayaw ko, bakit? Anak mo ba?" I said sarcastically.
"Hindi ba?" Sarkasmo niya rin.
"Hindi." Sagot ko at muling itinuon ng aking mga paningin sa niluluto ko ngayon. "Huwag nang maraming putak. Nandito ka lang naman sa harapan ko as business partners. You don't need to go here from time to time. Para kang timang. Kahit na pagurin mo pa ang sarili mo sa pagpunta dito, hindi ko parin dadalhin si Skynette dito." Dagdag ko pa.
"Sinong mapapagod? Anak ko 'yon, kaya hindi ako magsasawang pumunta dito kahit na araw-araw pa. I understand you, naiintindihan ko ang galit mo sa'kin. I hope someday, hindi mo na ipagkakait sa'kin ang anak ko." Ani Damien.
Mapakla akong natawa. "Sana inisip mo na 'yon noon pa. Pinagkait mo rin sa anak ko, ang pagiging ama mo noon. O', sabihin mo nga. Nasaan ka noong mga panahon na sobra akong naghirap? Diba wala ka? Pagkatapos ngayong hindi na kita kailangan, saka ka naman magpaparamdam. Alam mo, Damien. Umalis ka nalang, bigyan mo naman ako ng putanginang pahinga. Pati ang pahinga ko, ipagkakait mo sa'kin?" Because of anger, padabog kong inilapag ang hawak kong kutsilyo sa mesa. Mahirap na, baka masaksak ko pa 'tong lalaking 'to. Walang imik akong umalis sa harapan ni Damien.
Wala ka kasing alam sa pinagdaanan ko noon. Masakit ang mga nangyari sa'kin. Sa sobrang sakit, sumagi sa isipan ko ang salitang 'pagpapatiwakal'. Pero hindi ko ginawa, dahil inisip ko na may anak pa ako. Kapag alam mo na ang lahat, sigurado ako na masasaktan ka lang. Hindi ko naman ipagkakait sa'yo ang anak mo, bigyan mo lang ako ng oras.
"Bes, stress? Massage gusto mo?" Alok ni Jade. I am currently here in my main office room right now, nagpapahinga.
Umiling ako. "Huwag na. May pantawag ka ba? Na-miss ko na si Skynette, e. Gusto ko siyang tawagan. Hindi ako nasanay na hindi ko siya kasama ngayon." Sabi ko.
"Oo naman, wait lang. Tawagin ko lang!" Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. I heard that she was already dialing. After some seconds, I already heard the phone ringing. "Oh, bes." Jade lended me her phone.
[Mimi Jade, hello?] It was Skynette. Siya ang sumagot.
I smiled widely. "Baby it's me, Mommy. How are you? I miss you so much baby. Kumakain ka ba ng maayos diyan?" I asked her with full of excitement. Pakiramdam ko ay nawala na ang lahat ng pagod ko.
[Yes, Mommy. I'm fine, I already ate my lunch. Ikaw, Mommy? Maayos ka lang ba, Mommy? I miss you too. Kailan po ba ako babalik diyan?] Maririnig ko sa boses ni Skynette ang pananabik.
I went silent. Hindi ko alam.
"Soon, baby. Makakabalik ka rin dito, okay?" Tanging naisabi ko, na wala namang kasiguraduhan. I don't have any intention to bring Skynette here. Dahil 'andito pa si Damien. Baka kung ano pa ang masabi ni Damien, damn, I know him.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap namin ni Sky ay pinatay ko na rin ang tawag. Damn, I really missed her cute little voice. Nakakaramdam rin ako ng guilt, e, lalong-lalo na ang pagsusumamo niya kanina sa'kin. Pinipilit niya ako na papuntahin ko siya dito, babalik rin naman siya dito pero hindi na muna siguro ngayon.

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Ficción GeneralRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...