Kabanata 37

2.9K 165 10
                                        

Kabanata 37
Quality Time

"Wala ba akong appointment ngayon, or anything? Kasi, lalabas kami ng anak ko. Ikaw na muna ang bahala dito sa CDD, a'. May pupuntahan kami ni Skynette." Habilin ko kay Jade habang inaayos ang sarili ko sa harapan ng salamin. "Kilala kita, alam ko na pinangunahan mo ako, e." Dagdag ko pa.

Humalakhak siya ng tawa. "Ikaw kasi, e. Sumasakay ka muna sa jeep, bago mo napra-processed ang mga sinasabi ko. Kaya tuloy, natatagalan tayo." Depensa niya.

"At Bes!" Malakas siyang tumuli. May kasama pang hampas sa balikat ko. "Nga pala si Klyden. Iyong boyfriend ko. Hindi ko pa nasasabi sa'yo dahil kilala kita, e. May trust issues ka diba? Kaya hindi ko naipapakilala sa'yo si Klyden."

Humalakhak ako ng tawa. Napahawak pa ako ng tiyan ko nang dahil sa sobrang tawa. Damn, joker na pala ngayon si Jade?

"Weh? Sure ka?" Paninigurado ko, pero tawang-tawa parin. Nasa harapan parin ako ng salamin at inaayos ang sarili ko. "Hindi naman sa hindi ako makapaniwala, kilala kasi kita e'. Inuuna mo pa kami ni Sky bago ang sarili mo, kaya hindi ka nakakahanap ng partner." Sabi ko.

"'Eto naman, o'. Nakakatampo ka naman, e. Oo nga, si Klyden." Lumapit siya sa'kin. "O' 'eto, picture niya. Evidence 'yan. O' ngayon, naniniwala ka na ba? Na boyfriend ko siya?" She asked.

Infairness, may looks rin naman pala 'tong si Klyden. Picture nilang dalawa 'to ni Jade, selfie. Nakayakap si Jade sa leeg ni Klyden, habang si Klyden naman ang humahawak ng cellphone.

"Totoo ba 'yan? Hindi photoshop?" I asked.

"Nope, actually," niyakap ni Jade ang bewang ko. Hinaplos-haplos rin niya ang buhok ko. By her actions, mukhang may kailangan 'to sa'kin. "Bes kasi, nararamdaman ko kasi, na baka magpopo-propose na siya sa'kin. Pakiramdam ko lang, a'." Sabi niya.

"Talaga?" Uminom muna ako ng tubig. "E' bakit malungkot ka? hindi ba dapat na magiging masaya ka dahil ikakasal ka na? Mabuti ka pa nga, e, dahil ikakasal ka na." Inabutan ko siya ng tubig, kinuha rin naman niya 'yon. "Habang ako, may anak na, pero hindi parin kinakasal hanggang ngayon." Natawa ko.

"Hindi naman ako assuming, pero kasi, nakakainis na siya paminsan-minsan. Gusto kong ikasal na kami, pero hindi naman siya gumagawa ng way para ikasal kami. Hindi ko nakikita na sincere siya sa'kin," napahiga siya sa balikat ko. Malalim ang iniisip. "Ang kupad niya, e. Nakakainis na siya. Pakiramdam ko, aatras siya sa relationship namin any last minute." Sabi niya. Maririnig ko sa boses niya ang lungkot.

I tapped her shoulders gently. "Don't worry, nandito naman ako, kung sakali mang iiwanan ka ng bugok na 'yon, hindi ako magdadalawang isip na rumesbak. Iwan ka man niya, nandito parin naman ako. Hindi lang bilang bestfriend, pwede ring asawa, girlfriend, o kahit ano. May anak naman tayo, si Sky. Kaya please, Bes. Huwag kang matakot, kung sakali mang iiwanan ka ng Klyden na 'yon." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Lumubog man ang lahat ng barko, huwag lang ang friendship naming 'to. Ewan ko, parang ayaw ko pa kasing mag-settle si Jade, e. Sigurado ako na mami-miss ko talaga siya, sobra-sobra. Siguro, baka hindi na siya hahayaan pang pagta-trabahuin ng asawa niya kapag ikinasal na silang dalawa.

"O', Sky. Ibigay mo kay Tito Damien mo 'tong towel," utos ko sa anak ko at binigay sa kaniya ang malinis na towel.

Tumango naman si Skynette at dali-daling kumaripas ng takbo papunta kay Damien.

Nandito ako sa shooting ni Damien. A very-well known famous vlogger invited him for to be a guest. It's youtube channel was known as 'MasterChef Sanford'. Yeah right, he's also a master chef like us. It's content was only about related to cooking, ofcourse, sa pangalan palang ng youtube channel niya, makikilala na kaagad.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon