Kabanata 18
The Unwanted Comeback
"May problema ba? Kanina ko pa napapansin na buong magdamag kang tahimik, you can tell me if there's something bothering you." Pagbabasag ni Damien sa buong magdamag na katahimikan. Kasalukuyan na kaming 'andito sa sasakyan niya, ihahatid niya ako pauwi.
Pilit akong ngumiti. "Damien... Si Ate kasi, tinawagan niya ako kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..." Pag-amin ko. Wala naman sigurong masama kapag sasabihin ko sa kaniya. "'Eto 'yong comeback na hindi ko gusto. Halos isuka ko na nga 'yon."
"She's still your sister..." He muttered.
I released a heavy sighed. Alam ko naman 'yon. Kapatid ko siya... Pero ang layo na ng kalooban ko sa sa kaniya. I don't know if I can still call her my sister, after all the things that had happened. Sa bawat paglipas ng panahon, ay ang paglayo rin ng kalooban ko sa kaniya. Mahirap nang ibalik ang mga lumipas na panahon... Kaya gano'n rin ang kalooban ko sa kaniya... Pinaglumaan na ng panahon ang pagkakakilanlan ko sa kaniya.
"Wala ka naman kasing alam sa lahat ng mga pinagdaanan ko kaya mo nasabi 'yan. Iiba rin ang pananaw mo, kapag mararanasan mo na ang naranasan ko." Tugon ko.
"Blood is thicker than water, trust me, you'll still forgive her. Hindi man ngayon, pero dadating rin 'yon. She's still your family, babe." Napatitig siya sa'kin para makita ang reaskyon ko. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti para sa ikakapanatag ng kalooban niya. "Do you wanted to eat? Sa drive-thru? I'm hungry. How 'bout you?" Tanong niya.
"Oo, pero ikaw ang gusto kong kainin." Tinitigan ko siya sa mukha. Tumaas naman ang sulok ng kaniyang labi nang dahil do'n.
"So what do you want? Anong gusto mong kainin? Saan ba masarap kumain?" Pag-iiba niya ng usapan. Halata naman na iniiwasan niya ang mga sinabi ko.
"Ang kipay ko," sagot ko.
"Girl, what the fuck? You're wild... Seriously, I'm hungry. Saan mo ba gustong kumain?" Pag-uulit niya sa pangatlong beses.
"Sige, mag-jollibee nalang tayo. O hindi kaya McDo. Don't tell me, hindi ka nasanay kumain sa mga fastfood chains? Sa mga restaurant ka lang ba kumakain?" Tanong ko.
"No, I loved that. Walang problema sa'kin. Don't worry I'll just save your dressert." Ani Damien at malapad pang ngumiti.
"Ang daya, ang laki ng chicken mo! Samantalang ang akin, ang liit. Pagkatapos malaman pa!" I pouted. Hawak ko ang aking manok habang nakanguso sa harapan niya. Pagsamantala na muna kaming nag-stop rito sa parking lot, para kumain. Hindi gaano kadilim dahil may mga street lights.
"I already told you earlier, na dapat ay isang bucket ng fried chicken ang kunin natin. But you insisted na huwag na, dahil diet ka." Damien chuckled, natutuwa siya habang pinagmamasdan akong nakanguso. "Damn you're cute, aawayin mo 'ko, just because of this fried chicken? Damn, you're bad."
"Hindi a', wala lang, para kasing mas lalo akong nagutom, e." Giit ko.
"And wait, I wanted you to taste something... Wait, I got it here." May kinuha siya sa likuran ng kaniyang drivers seat. Isa 'yong cute at maliit na kahon, kulay pink pa. Nang makuha na niya, kaagad niyang nilahad 'yon sa'kin.
"Ano 'to? Engagement ring? Ang bilis mo naman, Damien." Pabiro ko habang hawak ang cute na box na kakabigay niya lang.
"I hoped so," mahinang bulong niya pero narinig ko. "It's a cupcake, I baked it for you. Could you taste it? Gusto kong malaman ang opinyon mo." Sabik na sabik niyang paliwanag, nagmumukha tuloy siyang isang bata.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Ficción GeneralRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...