Kabanata 42

1.5K 79 0
                                    

Kabanata 42


A Family

"Hello, Sky... You're so cute." Parang nanggigil na sabi ni Gucci kay Sky. Pinipisil-pisil pa ni Gucci ang pisngi ni Sky. Natatawa nalang si Sky.

"Pakikarga naman ng kambal mo." Tuwang-tuwa kong pakiusap kay Gucci. "Si Gracianna mataba nalang pala."

Hawak-hawak ni Gucci si Grace, ang babae niyang anak. Habang si Agazhe naman ay si Axelle, ang lalaki. Agazhe is Gucci's husband. Ang go-lucky-guy niya. Mukhang hindi naman siya mahirap pakisamahan e. Ang galing nga niya dahil natitiis niya ang ugali ni Gucci.

Grabe namang makatitig 'tong si Agazhe. Parang ayaw niya 'atang kargahin ko ang mga anak niya.

"Ingatan mo si baby Grace, Roux, ah. Baka mabasag si Gracianna." Habilin ni Agazhe sa'kin. Ingat-ingat, grabe siya. Akala naman niya, babasagin ko 'tong anak niya.

"Oo naman, Gazhe. Makaremind naman, parang wala kang tiwala, ah." Asungot ko naman.

"Wala lang, baka umiyak kasi si Grace e." Tawang-tawa pa si Agazhe.

"Hello, baby Gracianna. Kamukhang-kamukha mo talaga si Gucci. Pero sana huwag kang lumaking maldita, ah?" I reminded baby Grace. I am also pinching her cheeks carefully, ayaw ko kaasing gisingin siya sa mahimbing niyang tulog.

"Magiging maldita 'yan, kuhang-kuha ang mukha ni Gucci e." Parinig ni Agazhe kay Gucci.

"Atleast she's beautiful, Gazhe. Kaysa naman manana ni Grace ang pagiging kolokoy mo, yuck!" Asik ni Gucci.

"Oh, huwag mo na akong hampasin. Baka bumuka pa ang tahi mo." Paalala ni Agazhe dahil nga may tahi pa sa Gucci. Halos kakatahi palang ng sugat niya. Anim na buwan palang ang lumipas.

"Mommy..." kaagad akong napayuko kay Sky nang tinawag niya ako.

"Yes, baby?" Mabilis kong tanong.

"Sasama po ba si Daddy Damien?" Sabay nguso.

Napahalakhak ako ng tawa at kaagad na tumango. "Oo naman. Intayin nalang muna natin siya, okay? Sasama siya sa'tin. May binili lang."

"Sige, mommy." Ngumiti nang sobrang lapad si Sky kaya napangiti na rin ako.

All of us are going to have a trip on France. Sasama sila Gucci at Agazhe sa'min ni Damien papunta doon sa France, sa pamilya kong nandoon. Tutal gusto rin naman ni Gucci e. Kami nga lang sanang tatlo pero magbabakasyon rin naman sila Gucci. Noong una, hindi nila alam kung saan pero nagsuggest ako sa kaniya na doon nalang sa France.

Maganda kaya doon! Ito-tour ko talaga sila. At saka gusto rin ni Sky bisitahin si mama niya Rosianna e. Ayaw na ayaw niya noong una pero kakapumilit namin ni Damien, pumayag na rin sa huli. Takot kasi sa heights si Sky kaya siguro natatakot rin siyang sumakay ng eroplano. Buti naman at napapayag namin pareho ni Damien sa huli, sabi ni Damien bibilhan niya si Sky ng napakaraming laruan e.

"Ang cute naman ng baby Grace..." Tuwang-tuwa kong sabi dahil bigla siyang nagburp. Nabigla ako kaunti.

"This is ate Sky." Pakilala ko kay Grace. "Tingnan mo Sky, oh. Tuwang-tuwa si baby Grace sa'yo."

Ngumiti lang si Sky at pinisil ang pisngi ni baby Grace.

"Can I hold her, mommy?" Sky Gave me a puppy eyes.

"Sorry, baby, baka kasi mabitawan mo e. Huwag na muna. Baka himatayin ang papa ni baby Grace." Sabi ko.

"Hindi naman, gagawa ulit kami ng bago ni Gucci 'pag natapon mo si Gracianna, Sky." Suhestiyon naman ni Agazhe. Mabilis ko naman siyang tinapunan ng bag ko. Si Gucci naman, nagbigay pa ng sabunot. Loko ng lalaking 'to, ah!

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon