Kabanata 22

2.9K 187 14
                                        

Kabanata 22

Her Confession

"Bakit nanlulumo 'yang mukha mo? May bumabagabag ba diyan sa isipan mo?" Katanungan ni Mama habang dahan-dahan niyang sinusuklay ang mahaba kong buhok. "Pwede mong sabihin sa'kin, anak."

Umangat ang gilid ng aking labi at saka bumaba ang mga mata ko sa sahig. "Ma, miss ko na si Damien. Ang tagal kasi ng three months. Dapat nga, one month lang siya do'n, kaya nga lang, may unexpected na nangyari raw e'."

"Iiwan ka niyan, anak, trust me. Parehas rin tayo nang edad no'n, pinandigan ko rin sa lola mo ang kapusukan ko, parehas talaga tayo. Ipinaglaban ko siya sa lolo't lola mo, pero hindi ko akalain na sa huli, ay iiwan rin lang naman ako." Natatawa si Mama habang masayang-masaya niyang ikinu-kwento sa'kin ang pagiging mapusok niya noon.

"Ma, ibang-iba na ang panahon ngayon kumpara noon." Tugon ko.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko. I'll just text Damien, I hoped na hindi siya busy ngayon. Lately, napapansin kong madalang nalang siyang mag-reply sa'kin. Pero imbes na maghinala, iniintindi ko nalang siya.

Rouxaire:
Are you busy? Kumain ka na ba? Kapag busy ka, huwag ka nalang mag-reply. Mag-reply ka nalang kapag free time ka. I love you.

Damien:
Seen.

I felt like I was stucked inside a freezer, I can feel my body covered with coldness, nang dahil sa paraan ng pakikitungo niya sa'kin. Why isn't he communicating with me? I don't remember that we had a fight. Wala naman kaming may pinag-awayan... Pero bakit? Bakit parang may mali.

I sighed. Busy nga. Sana, magkaroon naman siya ng time para sa'kin. But no worries, I understand him, busy lang siya sa inaasikaso niya do'n sa Maynila. Maliban sa pagtigil ng kasal, he is also managing the business of his family. Pero wala pa akong alam, kung tatapusin niya pa ang pag-aaral niya dito sa San Ag.

"Ma, ikaw nalang ang pumunta ro'n, nahihiya akong pumunta sa mansyon ng mga Soldevilla. Ma! Magagawa mo naman siguro ang lahat ng nga 'yon!" Reklamo ko kay Mama.

"Gusto kang makita ni Madam Guissepa. Alam ba niya na nakipag-relasyon ka sa anak niya?" Si Mama, hinahatak niya ako hawak ang aking braso.

"Ma, ewan ko kay Damien, ang sabi niya sa sa'kin 'oo'. Alam na ni Mrs. Soldevilla na girlfriend ako ni Damien. Pero, Ma. Wala akong lakas ng loob para harapin si Mrs. Soldevilla... Baka makakatanggap lang ako ng mga masasakit na salita mula sa kaniya." Conscious kong rason. Nanliliit ako sa sarili ko, kaya nahihiya akong humarap kay Mrs. Soldevilla. Lalong-lalo na, na wala si Damien rito.

"Hindi gano'n si Madam Guissepa. Kahit na isang napakayamang babae si Madam Guissepa, mapakumbaba parin siya. Hindi siya gano'n kababaw para husgahan ka niya," patuloy parin akong hinahatak ni Mama kahit na ayaw ko. "Bilisan mo! Isa pa, Rouxaire, a'! Kukurutin na talaga kita sa hita!" Pagbabanta ni Mama.

"Don't be afraid, hija. Come in, sit infront of me." Ani Mrs. Soldevilla. Parang 'andito kami sa office room niya. Nakaka-suffocate lumapit sa kaniya, lalong-lalo na dahil ang sophisticated ni Mrs. Soldevilla. Nai-intimidate ako sa tuwing titigan ko siya. "Sit in front of me, hija." She asked, and gracefully pointed the office chair infront of her.

This place is covered with class. Marami ang mga art na nakikita ko sa paligid, magandang titigan at hindi masakit sa mga mata. The hanging paintings on this four-walled office are beautiful and very artistic. Mrs. Soldevilla has a great taste. Nakakamangha lang. This place is so surreal.

"Goodmorning po," tanging naisabi ko. I really tried my best not to stutter.

"Goodmorning," she smiled. She poured a drink in her wine, pagkatapos no'n, saka niya binalik ang mga paningin sa'kin. "Are you in a relationship with my son?" Panimula niya.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon