Kabanata 13

3.3K 216 55
                                        

Kabanata 13

Not That Easy

"Oh dali, akin na ang camera mo. Picture-an kita diyan sa likod ng sign. Smile ka! Bawal ang nakasimangot!" Malakas na pagkakasigaw ni Jade sa'kin kaya halos ang lahat ng mga taong napapadaan rito ay napapalingon talaga sa'min.

"Jade, oo na, tumahimik ka na, pwede ba?" Mahina kong pakiusap. Pagkatapos no'n ay sapilitan lamang akong ngumiti, paano ba ngumiti kapag? Sa sitwasyon kong 'to, lulong pa ako sa kalungkutan, e. "Dalian mo, nangangalay na 'tong panga ko, e."

Dahil nga saturday naman ngayon, may panibago na namang pakulo 'tong si Jade. I told her, na ayaw ko munang lumabas. Pero nakakainis, sinundo pa talaga niya ako sa bahay para mamilit. Kasalukuyan na kaming 'andito sa Esplanade. Nakatayo mismo ako sa harapan ng malaking sign na 'I love Iloilo'. Hindi ko naman first time pumunta rito, pero 'etong si Jade, walang tigil sa kaka-picture para documented ang lahat ng mga memories.

"Tama na 'yang picture. Tara, uminom muna tayo do'n o'." Sabi ko at itinuro ang isang malaking statue na wolf. Mukha siyang bar. Tamang-tama, gusto kong maglasing.

"Ang sabi sa'kin ni Mama, dapat raw nakahubad ka kapag gusto mong pumasok do'n," sa boses pa lamang niya ay halata na, na hindi siya sumasang-ayon. Ang inosente niya talaga. Malayong-malayo ang ugali namin sa isa't-isa, pero hindi ko alam kung bakit kami nagkasundo nito. "Huwag na, mag-enjoy muna tayo rito sa view ng Esplanade."

Nakakapanibago, ilang araw na kaming hindi nagkaroon ng komunikasyon sa isa't-isa. Kapag naman nasa loob kami ng campus, ay umiiwas kaagad ako. Iniiwasan ko ang lahat ng mga daanan na maaaring maging dahilan pa sa pagtatagpo ng mga landas namin sa isa't-isa. Ako na mismo ang umiiwas.

"Hoy, girl? Bakit ang tulala mo diyan? Tara, lumakad na tayo." Napukaw muli ang isipan ko nang biglaang pitikin ni Jade ang noo ko.

"Mag-jogging tayo rito bukas, what do you think?" Jade suggested while she was exploring the wide place of esplanade using her two eyes. Ang presko ng hangin, lalong-lalo na maganda ang infrastructure. Ang ganda ng paligid. May makikita ring ilog malapit rito kaya mas lalong nakakagaan sa pakiramdam ang paligid. "Tommorow? After that, mag-simba tayo?"

Umiling ako. "Sorry ka nalang girl, may sex ako mamayang gabi. Kaya baka anong oras ako makakagising bukas." Casual kong tugon. Ngunit ang totoo, ayaw ko lang talagang lumabas bukas... Hindi ko alam, kahit na walang namang may nangyayari, nakakaramdam ako ng panlulumo. Sa hindi malamang dahilan.

"What the fuck, girl? You sure? Oh, araw-araw may dilig ba ang peg?" Pang-aasar niya.

Umiling ako. "Paano mo naman nasabi? Hindi naman araw-araw, sumusobra ka naman 'ata."

"Si Damien ba 'yon? Ay, may girlfriend na siya?" Ani Jade saka tinuro ang kainan sa hindi kalayuan. Lumalaki pa ang mga mata niya.

Napatitig naman kaagad ako sa sinasabi niya. Doon, nakita ko nga si Damien na may kasamang magandang babae. Psh, tama nga ba ang mga hinala ko, ang dami niyang mga babae. Mabuti nalang at ako na mismo ang umiwas dahil sigurado ako, na ako lang ang masasaktan sa huli.

Nasabi na sa'kin ni Damien noon, na mahilig talaga siyang tumambay dito sa Esplanade. Tuwing linggo, parati niya talaga akong inaayang pumunta dito sa esplanade para tumambay.

Tangina... Bakit ko nga pala naisipang pumunta dito?! Gusto ko rin naman ang esplanade, e. Hindi ko naman alam na nandito rin si Damien. Hindi ko siya sinusundan.

"Mahilig pala siya sa rare na mga ganda, mukhang hindi talaga pasok 'tong mukha ko sa standards niya." Dagdag pa ni Jade habang humalakhak ng tawa.

Mahilig pala siya sa mga magaganda, sa nakikita ko, mukhang ideal girl nga 'yong babae. Maganda, mahinhin, ang porcelana ng balat. Pagkatapos, pwedeng-pwede pang iharap sa mga magulang. A woman for a lifetime kumbaga. Wala akong may nakuha sa isang sa mga katangian niya, maliban na lamang sa pagiging maganda, dahil 'yon lang talaga ang mayroon ako. Mukhang, ang saya-saya pa ni Damien. Nakita ko pa mismo ang pagkislap ng mga mata niya... Katulad ng pagkislap nito sa tuwing ako ang nakikita niya.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon