Kabanata 16

3.3K 207 59
                                        

Kabanata 16

In Return

"Oo alam ko, kinain ko ang lahat ng mga sinabi ko sa'yo. Kailangan ko na kasi ng pera... Sobrang kailangan." Mahina kong paliwanag kay Damien, punong-puno ako ng kahihiyan.

Kahit nakayuko ako, naramdaman ko parin ang matatalim niyang mga titig sa'kin. Nakakailang sa damdamin. "Hindi ka ba magsasalita?" I asked him, habang nananatili paring nakayuko.

"I already told you... Uuwian parin kita kahit na paulit-ulit mo man akong tinataboy," bumilis ang pagkabog ng aking puso nang maramdaman kong humakbang siya palapit sa'kin. Shit, the butterflies in my stomach are going crazy. Naramdaman ko na, na nasa harapan ko na siya mismo, ngunit nanatili parin akong nakayuko. I can't face him.

"Face me..." Hinawakan niya ako sa ilalim ng aking panga at mahinang itinaas ito para magtama ang aming mga mata. "What do you want, tell me. I'll help you."

Napalunok ako. "Damien... Kailangan ko ng 50k, para mabayaran ko ang pa-unang bayad ko utang ko, mamaya. Pagkatapos, para narin sa pang-ospital ni Mama. I know that this is already too much, but I need it. I need your help..." I begged him. Kahit na ayaw kong umiyak sa harapan niya, tumulo parin ang mga luha ko sa harapan niya.

"Damien..." Hindi ko alam, pero kusa na lamang yumakap ang mga braso ko sa kaniya. Niyakap ko ang leeg niya at ibinaon ang aking mukha sa balikat niya... Ang bango.

"I'll give you that, just give me something in return," he requested. Kaagad siyang umiwas ng mga titig sa'kin at itinuon ang kaniyang mga mata sa harapan. Nandito kami sa loob ng sasakyan niya. "I want it to be a good one."

Bumuntong hininga ako at humarap sa kaniya. "Sige, walang problema sa'kin." Pinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang ibinaba ang strap ng aking bra... Hanggang sa tuluyan nang tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan sa itaas. Balak ko na sanang hubarin ang lahat ng mga saplot ko sa- Ngunit napatigil kaagad ako nang binigyan niya ako ng masasamang mga titig.

"Bakit ka naghuhubad?" He asked, confused. Nakataas rin ang kilay niya. "Girl, what the fuck? Are you horny?" Dagdag pa niya.

"You said you wanted a good one... So this is a good one." Tugon ko. Ano ba 'tong si Damien? Feeling innocent?

"A good one, I want you to be my girlfriend. And me, as your boyfriend, that's what I wanted. So that we won't call each other a stranger who randomly fucks each other, anymore..." He said. Kaagad niyang hinubad ang jacket na suot niya at pinulupot sa buo kong katawan. Nagbigay pa siya ng halik sa noo ko pagkatapos no'n.

"Damien..." I called his name softly. "Bakit boyfriend? Hindi ba pwedeng friend lang?"

"Ligawan muna kita bago 'yon," aniya. "Sorry to hear about your Mom, maayos na ba siya?" Dagdag pa niyang katanungan.

Tumango ako. "Oo, maayos lang siya. Kailangan ko lang talaga ng pera. Damien pwede bang magtanong?" Sumeryoso ako saka sinuot muli ang mga saplot na hinubad ko kanina. Humarap ako sa kaniya at masinsinan siyang tinitigan sa mga mata.

"Pine-perahan lang kita. Ginagamit lang kita, at ang pinakasaklap sa lahat, pinapaikot lang kita. Bakit? Bakit patuloy mo paring ginagawa 'to... Sabihin mo sa'kin, bakit mahal mo parin ako?" Mahinahon kong pagkakatanong. Para akong hayop na sabik na sabik sa mga sasabihin niya.

Ngunit hindi nagbago ang kaniyang reaksyon... He was still emotionless. Wala siyang reaksyon. Nakatitig lamang siya sa mga labi ko habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon, parang iniiwasan niya ang mga mata ko.

"Kasi 'yon lang ang paraan ko para hindi ka lumayo sa'kin," hinaplos niya ang pisngi ko. "Gagawin kong tanga ang sarili ko, kapag 'yon lang ang tanging paraan na manatili ka... Magpapakatanga ako para sa'yo."

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon