Kabanata 27
This Moment
"Huwag ka ngang ngumisi-ngisi lang diyan. Nakakainis ka! Dapat nga ay tulungan mo akong maglinis dito. Kwarto mo 'to at hindi sa'kin." Nakasimangot kong reklamo kay Yael. Nakaupo lamang siya sa gilid habang pinagmamasdan akong nagwawalis, nakaangat pa ang gilid ng kaniyang labi.
"Sexy ka parin kahit na buntis ka. And you're not obligied to clean my condo. Nagha-hire lang ako ng nga tiga-linis rito tuwing linggo." He laughed. Naka-topless pa siya habang malakas ang ugong ng aircon. Hindi ba nanginginig 'yang abs niya? And what? Bakit abs kaagad ang napansin ko?
"Nakakahiya, nakikitira nga lang ako sa'yo, pagkatapos wala na akong ginawa kundi ang kumain at saka matulog. At isa pa, hoy! Mag-suot ka ng damit do'n. Baka magkasakit ka, ang lakas ng aircon, e." Kumuha ako ng isang pirasong damit sa closet niya at saka hinagis sa kaniya. Mabilis naman niyang nasalo 'yon.
"No need, you're already hot to make the whole room warm, Roux. Tangina, ang swerte talaga ni Damien. Binuntis ka talaga niya, ibang klase." Pabiro niya. Sinuot rin naman niya ang t-shirt na ibinigay ko. "Aalis ka na ba talaga? Okay na kayo ng Mama mo?" Dagdag pa niya.
Tumango ako. "Oo, kailangan ko namang samahan si Mama ro'n. Kailangan ko siyang alagaan," Sagot ko.
"I'll miss you," he mumbled.
Natawa lang ako at hindi na pinansin pa ang nga sinabi niya. I acted like I didn't hear anything, pakiramdam ko kasi ay nandiyan parin ang nararamdaman niya para sa'kin. Nakakailang. "Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng breakfast?" I asked, trying to change our conversations. Nakaka-suffocate kapag may sinasabi siyang lagpas na sa linya, hindi naman ako assuming pero naaawa ako sa kaniya, e. Although kahit na ang dali lang niyang mahalin, ay hindi ko magawa. Kapag talagang wala si Damien, siguro noon ako nahulog sa kaniya, 'yong sa punto na hindi na ako makakaahon pa.
"It's okay. You don't need to do that. Ikaw? Gusto mo ba ng mangga? I can slice for you." He asked.
Mabilis akong napatango. Nakaramdam ako ng pananakam. "May mangga na? Iyong indian mango? Iyong hindi maasim pero masarap?" Lumapit ako sa harapan ni Yael habang natatakam.
"Oo, nakabili ako kagabi habang pauwi ako galing University. Naisip kaagad kita. Parati mong hinihingi sa'kin, pasensya na ngayon lang ako nakabili." Hinaplos ni Yael ang tuktok ng aking ulo.
Natawa ako. "Sige! Salamat!"
"It's been a week. Oo, maayos na kami ni Mama. Kasaluyan, nakauwi na ulit ako dito sa bahay." Kwento ko kay Ate habang nagmumuni-muni ako sa labas ng aking bintana. Nakatingala ako sa bilog na buwan na nasa kalawakan.
[Mabuti naman, ilang araw na rin akong hindi nakapag-communicate sa inyo. Ipinagbabawal na kasi pamin-minsan sa'kin ang humawak ng cellphone.] Bumuntong hininga ako.
"Walang problema sa'kin. Magpagaling ka lang, sapat na." Ani ko.
[Goodnight, matutulog na ako. Bawal sa'kin ang magpuyat. Matulog ka na rin, ang sabi mo sa'kin ay may trabaho ka pa bukas.] Habilin ni Ate. Tumango na lamang ako, pagkatapos no'n ay kaagad ko nang pinatay ang tawag.
Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa pagkaka-charge pero muli itong tumunog kaya naalerto ako. Inaasahan ko pa naman na si Damien 'to, ngunit nagkakamali ako.
"Oh? Ba't napatawag ka?" Natatawa kong katanungan kay Yael. I'm sure, na-miss niya ako. Kahit nga ako ay na-miss siya, nasanay na akong tumira do'n kay Yael. Nakaka-miss lang.
[I miss you.] Bungad niya.
"Na-miss rin kita, e. Na-miss ko ang amoy ng condo mo. Na-miss ko ang ipagluto ka. Lahat-lahat na-miss ko," I rolled over, para palitan ang aking posisyon. Kasaluyan na akong nakadapa sa kama habang nakataas ang dalawa kong mga paa. "Iyong hinabilin ko sa'yo, a'. Iwasan mo ang puros prito araw-araw, tinuruan naman kitang magluto bago ako umalis."
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...