Kabanata 3
Be Comfortable
"Sa red na gate. Mukha bang white sa'yo ang red, Dame?" Sabi ko kay Damien nang makababa na ako sa sasakyan niya. "At isa pa, salamat pala sa paghatid, Daddy. Bukas ulit, ah? Ihahatid mo ba ako, Dad?" I asked Damien seductively. Syempre, para makatipid ako bukas. May sasakyan naman ang Daddy ko, e.
"Talagang sinasanay mo ang sarili mo na tawagin akong 'Dad', huh?" Tahimik siyang napasinghal at umiwas ng titig sa'kin. "Bahala ka, ihahatid ko ang girlfriend ko bukas. Hindi naman kita obligasyon." Mahina niyang pagkakasabi.
Magsasalita pa sana ako pero kumaripas na kaagad siya ng takbo. Leaving me hanging here. Wow ah, ang bastos naman ng Daddy ko. Kung sabagay nga, may girlfriend naman siya. Ayaw kong makasira pa. Lalong-lalo na, ayaw kong maging kabit. Hindi naman ako gano'n kababang babae para kumabit.
Sa sobrang pagod, malakas kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at tiningnan ulit ang cellphone ko. I got Damien's number here. Ibinigay niya 'to sa'kin kanina. Out of boredom, I'm thinking- I-text ko kaya siya? Wala naman sigurong masama do'n. Just a friendly text.
Rouxaire:
Kamusta ang daddy ko?Damien:
Who you?Rouxaire:
I'm your asukal de anak and you're my papa de asukal.Hindi na nag-reply si Damien. Like what I expected, seen niya ang lahat ng mga messages ko. Bahala na. Libang-libang lang naman 'to. Wala na 'tong ibang meaning. Kaso nga lang-bored ako!
Just like what I expected. Cancel ang klase namin ngayon. Mayroong magaganap na meeting ang lahat mga professors. All I can say is- my day is boring. Si Mama, wala dito, parating nasa tindahan. May trabaho. Gusto ko sanang tumulong, kaso nga lang ayaw ni Mama dahil kailangan ko pa daw na munang tapusin ang lahat ng mga school works ko. Kahit na anong pagpupumilit ko, ayaw niya.
Si Damien. Naiisip ko siya. Gusto ko sanang mag-mall pero wala pa akong pera. Humingi kaya ako ng pera sa kaniya? Sugar daddy ko naman siya. Iyong mga nauna kong sugar daddy, ibinibigay ang lahat ng gusto ko kahit na walang kapalit. Si Damien, ang sungit-sungit pagkatapos nag-iinarte pa. Palitan ko nalang kaya siya? Ang boring niyang sugar daddy.
Currently, I'm here in front of the mall. I texted Damien na magkita kami ngayon. Hihingi lang ako ng allowance. Duh, we have an agreement. Ewan ko, kung sasang-ayon ang lalaking 'yon.
As if we're dating para paghinalaan kami ng mga tao. I know people, they will judge if as if they know me. I'm used to it- judgement, malice, discrimination, degradation and anything that could ruin my image. But who cares? Kung 'yan ang tingin nila sa'kin, bakit hindi ko ibigay sa kanila? Bahala na, I don't want to live a saint-like life. Ako 'to, sarili ko 'to.
"What do you want? You're bothing me." Reklamo kaagad ni Damien. Nasa harapan ko siya. Hindi manlang niya binuksan ang car door, ibinaba lang niya ang car window. Ang gentleman naman.
"Shopping tayo?" I smiled at him.
"I'm busy," he simply answered. "Besides, I don't want people to see me with you. Baka kung ano ang isipin nila." He added.
Natawa ako. "Ano ka ba, mag-social distancing nalang tayo. Kunyari, hindi tayo magkakilala. What do you think?" I asked him, hopeful.
Hindi siya sumagot. He remained silent. Magulo pa ang buhok niya, mukhang kakagising lang niya. Nakita ko rin ang pag-nguso niya, na para bang may malalim talaga siyang iniisip.
"Damien- be comfortable. Hindi ka ba komportable sa'kin? I know, na sa kaunting panahon lang tayo nagkakilala. But there's no need to be uncomfortable with me." I smiled.

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...