Kabanata 39

2.8K 141 7
                                    

Kabanata 39

Stop the Chase

"If you're still thinking about what happened earlier, please, don't think about it anymore. It's not worth it." Pambabasag ni Yael ng katahimikan. Currently, we are driving home now. Matapos ang nangyari kanina, walang sinuman ang umiimik ngayon. Kahit nga ako ay ayaw kong umimik. Cause I felt, lies were the only thing who's comforting me. Nakakulong ako sa kasinungalingan, 'yon ang nararamdaman ko.

Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is a growing up. Loving is like having a two hearts but with the same heartbeats... Marami 'tong kahulugan, pero sa iisang tao mo lang dapat 'tong maramdaman. Aaminin ko... No'ng nawala si Damien sa'kin, parang nawala na rin ang tibok ng puso ko. Naguguluhan ako... Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman 'to, hanggang ngayon.

"E' gusto kong isipin 'yon, anong magagawa mo?" Sarkasmo ko. Bumabalik na naman 'tong ugali ko. I can't blame myself, 'etong 'yong ugali kong nagpapalakas sa'kin, e. Sinabi ko na noon sa sarili ko, na ayaw kong maging balahura, eh. Nakakagalit lang kasi... Sobra akong nagagalit sa mga narinig ko kanina.

"Iyong mga sinabi ni Damien kanina... May kinalaman ka ba do'n?" Naitanong ko sa kaniya. Wala namang mawawala kung magtatanong ako, kaysa sa kimkiminan ko 'tong kuryosidad ko sa sarili ko.

I won't doubt now, gusto ko nang magtanong, kaysa sa pairalin ko ang galit ko. Katulad nga nang parati kong sinasabi, e... Doubting can break the relationship, trust could build it back together. And the truth could make it stronger. So what's the point of continuing this relationship, if he doesn't want to speak out. Pakiramdam ko, may tinatago siya sa'kin.

"Wala... Basta ang importante, mahal kita. Huwag mo nang isipin pa 'yon. Mas lalo ka lang maguguluhan kung magtatanong ka pa, dahil hindi ko naman masasagutan ang lahat-lahat ng mga iniisip mo ngayon." Bored niyang sabi.

"Wala kang maisasagot, o ayaw mo lang talagang sagutin?" I asked him.

"Both... I don't want to talk about it anymore." Sabi niya.

"Nagsisinungaling ka na pala sa'kin ngayon," Dagdag ko pa.

"Iba ang pagsisinungaling sa ayaw kong magsalita. Pwede ba, Rouxaire. Huwag na muna nating pag-usapan pa ang lahat ng mga ito." Mahinang pakiusap niya. Maririnig ko na rin ang irita sa kaniyang boses.

"I just wanted to clear things out. Gusto mo ba, na matutulog akong may maraming iniisip?" Malapit na talaga akong sumigaw. I can feel, that I'm slowly reaching my peak. Bakit ganito siya? Bakit ganito na siya ngayon? Nakakainis naman 'to, oh.

"Hindi naman sa gano'n. But fine," nakita ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang manibela. Parang nilalabas niya ang nararamdaman niyang tensyon do'n. "Damien did really came back... I didn't tell you, dahil wala naman akong balak na sabihin talaga sa'yo 'yon. No'ng umuwi siya, wala ka na, doon ka na sa France no'n... Hindi ko sinasabi sa kaniya kung nasaan ka. Nagsinungaling ako."

Kumuyom ang mga kamao ko. Tangina naman nito... Nakakaramdam na ako nang paninikip sa dibdib ko.

"Bakit mo ginawa 'yon!?" Malakas ko siyang hinampas. Sobrang lakas. Nilalabas ko ang lahat nang sama ng loob ko. Masakit sa damdamin. Tumutulo na rin ang mga luha sa mga mata ko. "Ginawa mo ba 'yon, para tayo ang masama, huh!? Tangina mo, Yael. Gano'n ka na ba ka desperado?" Basag na ang boses ko.

"I already risked... Ginawa ko 'yon dahil mahal kita. Natatakot akong mawala ka. Kilala kita, Rouxaire. Kahit anong galit mo sa lalaking 'yon, babalikan mo parin siya. Because you fucking love him, paano naman ako?" Nakita ko pagtulo ng kaniyang mga luha sa mga mata... He seems hurt and in pain.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon