Kabanata 12

3.3K 211 66
                                    

Kabanata 12

This is not Love

"Binuhat niya po ako at sapilitan na dinala sa c.r ng girls. Pagkatapos no'n binantaan niya pa po ako, kapag daw sisigaw ako ay gigilitin niya ang leeg ko gamit ang cutter. Tinutukan niya pa nga ako ng cutter, e." Paliwanag ko kay Principal pagkatapos ang lahat ng mga nangyari kanina. "Si Damien, wala po siyang kasalanan kanina. Niligtas niya lang po ako. Dala ng kaniyang emosyon, kaya niya nasuntok si Jason." Dagdag ko pa.

Napatitig kaagad ako kay Damien nang masabi ko 'yon. Hanggang ngayon ay pinupukol niya parin ng nagbabantang mga titig si Jason, na para bang gusto pa nga niyang bugbugin 'to ulit e'. Habang ako rito, hiyang-hiya kay Mrs. Soldevilla, nang dahil sa'kin ay nadamay pa ang anak niya. Kasaluyan ay nandito ang parents naming lahat. Nandito na rin si Mama. Lahat kami ay nasa harapan ng Principal.

"You heard Ms. Deverauex, Ma'am right? You're son is the one who started all the commotion. He started the trouble..." Wika ng Principal sa Mama ni Jason. Pagkatapos si Jason naman, imbes na magpakumbaba nalang at humingi ng pasensya sa'kin, siya pa 'yong galit, nagbabanta pa talaga siya sa'kin gamit ang mga titig niya. Para mas lalo siyang mainis, binibigyan ko pa siya ng irap.

"I hoped we can talk about this, Principal. My son doesn't mean-" kahit na bastos, pinutol ko na kaagad ang mga sasabihin niya. Wala nang paligoy-ligoy 'to, buhay ko kanina ang binantaan ng anak niya.

"Paumanhin po, pero ang anak niyo kanina ay binantaan ang buhay ko. Hindi po pwedeng dalhin sa mahinahong pag-uusap 'to. Mauulit at mauulit, po, ang lahat ng mga nangyari kanina kapag hindi siya mabigyan ng disciplinary acts... Gusto ko siyang ma-suspended dito sa school." Mahinahon kong pagkakasabi, para hindi naman ako magmumukhang bastos sa harapan nila... Lalong-lalo na sa Mommy ni Damien, kay Mrs. Soldevilla.

"She's right, Ms. Principal. Ms. Deverauex has a point. He needs to learn a lesson from his violent action..." Punong-puno ng awtoridad ang mga salita ni Mrs. Soldevilla, na para bang ipinapamukha niya sa kaharap niya kung sino, mismo, ang nakakataas. Napalunok lamang ako nang dahil do'n, nahihiya ako sa kaniya.

"We can pay, Ms. Principal." Alok ni Mrs. Guzman, ang Mama ni Jason, na mukhang kinukunsinti niya pa ang anak niya.

"Sorry, but we don't want to accepted that here, Mrs. Guzman. Mrs. Soldevilla is right, your son should be suspended and also-" hindi na ako nakinig pa sa mga sasabihin ni Mrs. Principal. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone nang biglaan itong mag-ring. Psh, nagmula na naman sa number na parati akong kinukulit. Sino ba talaga 'to?

Unknown:
Don't worry, makikilala mo rin ako. Sana kapag dumating man ang araw na 'yon... Hindi sana lumayo ang kalooban mo sa'kin. Mahal kita, Rouxaire.

Rouxaire:
Sino ba talaga 'to!?

"Okay ka lang? Pasensya na kanina, a'. Hindi na sana nangyari 'yon. Nang dahil sa'kin, kaya nagkagulo. Pati ang Mommy mo kanina, nahihiya na rin ako sa kaniya. Ang galing niyang dumipensa kanina, pagkatapos hindi manlang ako nakapag-pasalamat sa kaniya kanina." Saloobin ko habang nililinis ang mga maliliit na sugat sa mukha ni Damien. Nilagyan ko na rin ng ice ang namamagang parte ng kaniyang mukha.

Hinawakan ni Damien ang kamay ko na may hawak na ice at masinsinan akong tinitigan sa mga mata. "Don't worry about Mom... Mas nag-aalala ako para sa'yo. Are you really okay?" Paninigurado niya.

Tumango ako. "Oo, maayos pa sa maayos. Don't worry, hindi mo naman ako obligasyon e."

"Mama... Pasensya na kanina sa mga nangyari. Naabala lang kita kanina. Nakakahiya na rin kay Mrs. Soldevilla." Masinsinan at nakayuko kong paliwanag kay Mama.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon