Kabanata 28
It's Your Child
"Uuwi na kami ni Jade, ba-bye na. 'Andito naman ang driver mo, e. Safe ka na, don't worry. Okay ka lang ba talaga?" I asked Gucci, she's drunk. Naparami kasi ang inom niya kanina. Sinabihan na nga na huwag munang iinom lalong-lalo na kanina, napasobra 'ata siya.
"Huh what? I have a driver I thought I am the driver? Then who's-" Then there's it. Tuluyan na nga siyang sumuka. Good thing may kasama siya dito para mayroong mag-aalaaga sa kanya.
"Pasensya na, ang untamed naman talaga ni Gucci, e. Mahirap na, baka sukahan niya pa ako rito, idikit ko muna ang plastic sa tenga niya para diretso suka na. Tulog naman siya, hindi naman niya alam." Ani ng driver ni Gucci. Kumuha ito ng malaking plastic at saka sinabit sa magkabilaang tenga ni Gucci. Parang natatawa tuloy ako sa itsura ni Gucci sa ngayon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako.
"Hoy, ayusin mo naman ang mukha ni Gucci." Kahit na nag-alala, hindi ko parin mapigilan ang matawa nang dahil sa itsura ni Gucci sa ngayon. Para siyang astronaut na may malaking tabon sa mukha. Para siyang may balbas nang dahil sa plastic na sumasabit sa kaniyang tenga. Kaya pala gano'n nalang ang stress ni Gucci, e. Loko-loko rin pala 'tong driver niya.
Ilang minuto, kaagad na napadilat si Gucci ng mga mata. Ang una niyang napansin ay ang plastic na nakasabit sa kaniyang tenga. Kaagad niya 'tong kinuha at malakas na tinapon nang harap-harapan sa kaniyang driver. "Agazhe! What's this!? You bastard!"
"Gucci, Gucci. Lasing ka na at baka masuka ka pa. Hays, ganito talaga basta nagdadalaga na. Tumahan ka na. Sige na nga, magsuka ka lang hanggang kailan mo gusto dahil maliligo ka naman kaagad pag-uwi natin sa mansyon niyo." Hinubad ni Agazhe ang kaniyang jacket at saka pinulupot sa buong katawan ni Gucci. Pagkatapos no'n ay napalingon siya sa'kin. "Salamat dahil tinawagan mo ako. Baka kung ano pa kasi ang mangyari kay Gucci kapag siya lang ang magma-maneho mag-isa, e."
Tumango ako. "It's okay. Drive home safely okay? At saka, alagaan mo kaagad si Gucci kapag nakarating na kayo sa mansyon nila." Habilin ko.
"I heard, okay na kayo ng Mom mo. It's good, you can start over again." Ani Jade.
Natawa ako. "Oo nga, e. Akala ko pa naman ay hindi na talaga ako matatanggap ni Mama."
"Sure ka? Na dito nalang kita iiwanan sa waiting shed? Naka-kuha ka na ba ng grab? Samahan nalang kita rito, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo, e." Suhestiyon ko kay Jade.
"No it's okay, I already booked a grab. You can go home now. You need to rest diba? It was been a long time today, kaya you need rest." Ngumiti siya kaya tumango na lamang ako. She's right, I need to rest lalong-lalo na't madali nalang akong mapagod sa ngayon.
"Ma, oh, tubig. Diba sinabihan na kita na huwag ka munang gumalaw-galaw. Hindi ka pa nga tuluyang gumagaling, e. Pagkatapos ganiyan ka. Gusto niyo bang bumalik ang sakit niyo?" Nilahad ko na kay Mama ang isang baso ng tubig sa kaniya. Punong-puno ako ng pag-aalala.
"Kailangan kong mag-trabaho para mabayaran ang utang natin. Nahihiya na akong humingi sa pamilya ng Papa mo. Nagbigay na sila ng tatlong milyon para do'n, kaya ayaw kong gastusin ang perang 'yon para lamang pagpapa-ospital ko."
"Ma, huwag mo nang intindihin pa ang mga pera. Mas intindihin mo ang kalusugan mo. At teka, may ipon ako rito. Inipon ko talaga 'to para sana sa panganganak ko, bigay ni Damien, pero mas kailangan mo 'to e'. Pasensya na, maliit lang 'to dahil hindi na ako humihingi nang sobra-sobra pa kay Damien, e. Sakto lang para sa anak namin. Hindi na ako humihingi ng extra sa kaniya dahil wala naman siyang kinalaman sa utang natin, e. Anak lamang niya ang tangi niyang obligasyon." Mahaba kong paliwanag kay Mama at saka nilahad sa kaniya ang twenty-thousand pesos. "Ma, tara na, punta na tayo ng ospital. kailangan mong magpa-check-up." Pagsusumamo ko.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...