Kabanata 6

3.8K 195 68
                                    

Kabanata 6

No Strings

It's been weeks. Wala akong ginagawa, nakatulala lang ako sa kawalan. Wala akong emosyon, para kasing ang boring, e. It's been weeks na rin, since wala na kaming communication ni Damien. Nothing new, I'm used to it. Nakakapanibago lang dahil hindi na nagpapakita sa'kin ang Daddy ko.

Who cares? Anong pakialam ko sa kaniya? Wala naman akong dapat na ikapanlumo do'n, e. He's not worth it. Wala akong pakialam, kahit na mawala pa siya sa tabi ko. Then ofcourse- I would never find my way back to him.

Naalerto kaagad ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko- hoping that it was from someone I know, pero nanlumo ako, ganito nalang ang pagkadismaya ko nang hindi ko natanggap ang text na inaasahan ko mula sa isang tao. Ugh, what am I thinking?

Jade:
Bes, saan ka? Punta ka dito sa mansyon ko. Birthday ni Mommy. Please.

Rouxaire:
Ayaw ko, nahihiya ako.

Jade:
Huwag ka nang mahiya, please! Sunduin kita diyan maya-maya. Hihingi na rin ako ng permission sa mommy mo. Hihi.

Rouxaire:
Bahala ka. Nakakahiya!

Not in good terms pa naman kami ng mga parents niya. Everytime I'm there- I can feel it, that her parents doesn't like me. Huwag man nilang sabihin, nararamdaman ko parin 'yon. Kaya nga nahihiya akong magpunta-punta do'n sa kanila, parang patay gutom na nga ang tingin ko sa sarili ko sa tuwing pumupunta ako do'n.

Dahil nga mapagpumilit si Jade, wala na akong magawa kundi ang um-oo kahit na labag sa kalooban ko. It's also an advantage for me, so that I could make myself busy. Ayaw kong mag-mukmok lang dito- ayaw kong isipin pa 'yong tao na 'yon. Ugh, I should stop myself- this should really be stop.

"Uhm? Bakit ang tahimik mo? Alam mo, noon ko pa napapansin na ang tahimik mo. Is there something bothering you?" Jade asked concerned. She's driving, palipat-lipat pa ang tingin niya sa'kin at sa daan.

"Wala. Bored lang ako kaya ganito. Don't worry, there's nothing bothering me." I faked a smile. I know her, hindi talaga siya titigil hangga't sa hindi niya nakikita na maayos lang ako. "Nga pala, ikaw rin kaya. Ang tahimik mo rin this past few days. Hindi lang kaya ako. Oh? May problema ka rin no?" I laughed. Iniiba ko lang ang usapan. I don't want a heavy athmospere here. Lalong-lalo na't may mabigat rin akong iniisip.

"Wala, ang family ko lang ang iniisip ko. You know, family problem sucks." She laughed. I know that it's her only way to hide the truth.

"I understand you. Ako kasi, wala na akong ama. May ama nga ako- pero hindi ko alam kung nasaan na ba ang kaluluha nun," bumuntong hininga ako. "Kung tatanungin mo ako kung gusto ko pang makita 'yon? Ewan ko, siguro hindi na."

"You're lucky. Your Mom is still giving you the attention that you need. While me? I have two parents, but I never received the attention that I wanted." Jade looked away. Parang maiiyak siya o matatawa, hindi ko alam. Pero ang alam ko, she's sad. She's in pain.

"Magiging maayos rin ang lahat. Don't worry about it. If your parents can't give you that attention- I'm still here, I can give you the attention." I said softly.

She smiled. When I saw her smiling, I smiled too. Nakakahawa kasi ang mga ngiti kaya nahahawa ako sa ngiti niya. Kapag ngumingiti ang taong kinakausap ko, ngingiti rin ako. Para akong baliw.

The athmospere here, in Jade's mansion is heavy. Hindi dapat ako pumunta dito e, pang-mayaman lang na party 'to. Naman kasi, ang sophisticated ng mga tao dito kaya minsan mahirap ang huminga nang maayos. Lahat ay mayayaman. Walang pang mahirap dito, kung mayroon man- ako na siguro 'yon. Ugh, nakakahiya! Pagkatapos, nana-jeans, rubber shoes at t-shirt lang ako!

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon