Kabanata 36

2.9K 157 5
                                    

Kabanata 36

Minecraft

"Wow, ang dami mo namang binili, a'. Matutuwa talaga ang junakis kong 'yon. At isa pa, ang cute ng mga damit at saka stuff toys-" bumuntong hininga ako. Si Jade, na nasa likuran, lang talaga ang kanina pa nag-iingay dito. Bumubuntong hininga na lamang ako sa tuwing nagbibigay siya ng papuri paminsan-minsan kay Damien. Deserve niya ba talaga ang puriin? Pagkatapos, ang lawak-lawak pa ng ngiti niya.

"Hoy, Damien. Hindi porket masaya na ako sa pinapakita mo, ibig sabihin ay okay ka na sa'kin. Psh, hindi parin tayo quits. Sana nga, magbago ka na. Hindi 'yong pakitang tao. Kasi ako, hindi ko talaga makakalimutan 'yong ginawa mong pang-gagago sa bestfriend ko." Namilog ang mga mata ko nang dahil sa mga sinabi ni Jade. I didn't expect her to say that.

Sa kabila ng pagka-mangha ko, hindi ko ipagkakaila na hinaplos nito ang puso ko. We had been through so much, but we don't let circumstances be a hindrance in our path. I felt greatful, dahil hanggang ngayon ay nanatili parin kaming matibay ng bestfriend ko. I'm thankful that she became my bestfriend.

"Alam mo 'yon? Hindi ako nakapag-hanap ng mapapangasawa ko dahil may anak na pala ako. Ako 'yong naging Daddy ni Skynette at naging asawa ni Rouxaire," dagdag pa ni Jade na nagpangiti sa'kin.

"Now that I'm here, ako na ulit ang magiging daddy ni Skynette at asawa ni Rouxaire," ani Damien.

Natigilan ako. Kaagad ko siyang nilingon. Nakikita ko na hindi talaga siya nagbibiro. Diretso ang mga titig niya sa daan.

"Pinagsasabi mo? Kasal ka na diba? Anong balak mo? Gagawin mo pa talaga akong kabit?" Buwelta ko.

He chuckled. Napailing-iling na rin siya na para bang isa lang biro ang narinig niya. "I'm not married, Roux." Usal niya.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko! Hindi siya married? E' ano 'yong sinabi niya, na huwag daw hahadlang ang anak namin sa kasal niya? Ano ba 'to, isang laro?

It's been years, ang buong inaakala ko ay kasal na siya. Happily married with kids, kumabaga. Kaya buo na ang kalooban ko na kalimutan siya, buong-buo. How come, na mali ang hula ko? Na hindi siya kinasal?

"How come, na hindi ka kasal?" Kaagad kong tinuon ang mga paningin ko sa labas ng bintana. I don't want our eyes to meet. Eyes doesn't lie, baka mabasa niya ang totoong sinasabi ng mga mata ko. Eyes tell everything.

"Dahil gusto kong ikasal sa'yo."

Napalunok ako. Natahimik ang buong paligid, maliban nalang sa mga pekeng ubo ni Jade sa likod, na para bang nabulunan nang dahil sa sobrang pagkabigla. Tanging ang pag-ubo lang ni Jade sa paligid ang naririnig namin.

"Tanginang apog 'yan, ang lakas." Sarkasmo ko.

"Baby! Come here, I have something for you!" Excited kong pagtawag kay Sky habang hawak ko ang mga paper bag na pinamili ni Damien kanina.

"Mommy!" Pagsigaw ni Sky sa second floor ng bahay. Nakikita ko ang excitement niya sa kaniyang mukha. Dali-dali pa siyang tumakbo papunta sa'kin.

"What's that, Mommy? Is it for me?" Kumislap ang mga mata ni Sky sa hawak kong mga paper bag.

Kaagad akong tumango. "Yeah, this is all for you. Halika dito, buksan natin. Marami ang mga toys dito at saka may mga hairclips rin dito. Mayroon din ditong clothes ng mga dogs, at saka mga toys. Para kay Bubbles at saka kay Bulldog." Sabi ko sa kaniya. Kahit na ayaw ko sa bulldog na 'yon, bigla-bigla nalang mangangagat. Mabuti nalang at naisip ko pa siya kanina.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon