Kabanata 30
Always
"How's her, Roux? Anong kailangan kong gawin?" Medyo naguguluhang na tanong ni Yael sa'kin, parehas kaming hindi mapakali kasi mas lalong tumataas ang lagnat ng anak ko. Natatakot ako. Kinabahan pa."Yael..." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko.
I'm a mother, dapat alam ko kung ano ang gagawin ko. I can't just calm down. Mahirap kumalma kung alam kong naghihingalo ang anak ko sa loob ng isang kwartong napapaligiran ng kung ano-anong mga makina.
Right at this moment, I felt useless. Wala akong magawa, tangina!
"Roux, calm down." Matutumba na sana ako sa kinatatayuan ko pero buti nalang, nasalo ako ni Yael. "Nandito lang ako, okay? Huwag kang matakot... Nandito lang ako. Hindi ako aalis sa tabi mo." Dagdag pa ni Yael.
"Hindi nga pwede, tangina!" Hindi ko na napigilan ang sariling sumigaw, mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko kay Yael. Habang siya, hinahagod niya lamang ang likod ko.
"Ssh, tahan na, Roux... Walang may mangyayaring masama sa'yo. I'm always here." He whispered in my ear.
"Do you think, that education is a must? Dapat bang tapusin ko ang pag-aaral ko, Yael?" Wala sa sarili kong naitanong. Punong-puno talaga ng kuryosidad ang utak ko. Gusto kong malaman ang sagot.
"Luma na siguro ang katagang 'to, pero 'yan lang kasi ang tanging hindi mananakaw sa'yo, Roux." Sabay hagod ulit sa likuran ko.
Maayos na kanina ang anak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang dahil doon. . . Pero hindi ko parin maiwasang mangamba e. Natatakot parin ako.
"Paano kung, titigal na ako sa pag-aaral diba? Ayaw ko na kasi e... Hindi ko na kaya. Mas gusto kong magfocus sa anak ko." Wala sa sarili kong naisabi. Basta ang alam ko, buo na ang desisyon ko.
Nandito kami sa isang cafe, malapit lang dito sa hospital. Ayaw ko kasing lumayo pa. Hindi pa ako nakapag-breakfast kanina. Wala rin akong ganang kumain ng lunch... Kaya nga nilalaruan ko lang ang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Wala talaga akong gana.
"Roux, huwag... Please, be strong for your child." Hawak-hawak ni Yael ang kamay ko. I can feel sincerity in his voice. Kaya kahit papaano ay lumuwag-luwag ang nararamdaman ko. "Pwede ka namang humingi ng tulong diba? Pwede kang humingi ng tulong sa'kin... I'll always be here for you."
"Hindi ko na nga kaya, Yael. Bakit pa ba ako mag-aaral, e mas mabuti pa kung tutukan ko nalang ang anak ko, diba? Tutal nahihirapan rin naman ako. Lalo na sa pagta-time management." Frustated kong pagkakasabi.
Wala na siguro akong luha na maitulo kasi wala nang may lumalabas na luha. Walang emoyon lang akong nag-iisip ng malalim. Kung saan-saan lumilipad ang isipan ko.
Mabuti nalang na nandito si Yael... 'Pag wala siya dito, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Gustong-gusto ko nang sumuko pero may anak ako, e. Kaya hindi pwede.
"Yael..."
"Yes, Roux?"
"Salamat... Salamat sa lahat. I'm grateful having you by my side." Sinsero kong pagkakasabi.
"Anything for you, Roux."
Naaalala ko na naman ang lalaking 'yon. . . May pakialam rin kaya siya sa'min ng anak niya? Nakakainis. Kung wala na talaga siyang pakialam sa'kin, huwag nalang sana niyang idamay ang bata. Kung ayaw niya sa'kin, huwag lang sana niyang balewalain ang bata. Tangina. Nasasaktan ako.
Sa pagkakaalam ko... Wala naman akong ginawang mali para iwanan niya ako, ah. I'm trying my best to be the best girlfriend for him. But sadly, it didn't work out. I don't know what's the problem, what's wrong. Ako ba ang may problema?

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Ficção GeralRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...