Kabanata 40

3K 155 12
                                        

Kabanata 40
Mom is Hurt

"Are you, okay? Sinabiha na kita, Roux e, na ingatan mo ang sarili mo. I'm so worried at you. Damn, hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag talagang may nangyaring masama sa'yo." Si Yael, na kanina pa emosyonal sa harapan ko.

Nandito kami sa hospital, siya 'yong sumugod sa'kin dito. Hindi naman gano'n kalala 'yong nangyari sa'kin, nawalan lang talaga ako ng malay.

"Sorry na nga..." umiwas pa ako ng tingin.

"Kahit na, matigas parin ang ulo mo, Roux." Istrikto niya pang pagkakasabi. Kaya nga hindi ako makakatitig nang direkta sa kaniya kasi nagu-guilty lang ako.

"Hindi ka nga-"

"Roux, are you okay?" Parehas kaming napatigil ni Yael sa boses na 'yon. Kung nagulat si Yael, maski ako nga ay sobra ding nagulat.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito!?

"Damien, bakit ka nandito?" Imbes na sagutin ang tanong niya. Nagsisinuplada nalang ako. "At saka paano mo naman nalaman na 'andito ako?"

"Someone called me... May nagsabi lang sa'kin na nandito ka sa hospital ngayon kaya nagmamadali akong pumunta dito." He sighed. "I'm so worried for you."

"Sana hindi ka nalang pumunta dito. Hindi naman kita kailangan, eh." Pagmamatigas ko. Hindi parin ako makatingin sa kaniya. Basta ayaw ko. Labag sa kalooban ko ang tumingin sa kaniya. Hindi ko kakayanin.

"Sige, lalabas muna ako, mag-usap muna kayo."

Nanlaki ang mga mata ko. Pipigilan ko pa sana si Yael na huwag umalis pero naglakad na siya palayo, eh. Iiwan niya talaga ako kasama ang lalaking 'to!? No way. Ayaw ko sana!

"Pwede ka nang umalis, may sasabihin ka pa ba?" I am trying to act normal, kahit na mapapatalon na ang kaloob-looban ko sa sobrang kaba.

Bakit ganito? Bigla nalang akong kinabahan nang maiwan ako dito kay Damien. Kinakabahan na naman ako dahil 'andito siya.

"What are you feeling right now? Are you okay?" Lumapit siya sa'kin. Damien started to caressed my back... Ang hindi ko malaman, ay kung bakit hinayaan ko lang siyang hawakan ako? Hindi ko siya magawang itaboy. Nagagalit ako sa sarili ko.

"Yes, I'm fine. Don't worry about me anymore. To be exact, I am more than fine." Ngumiti pa ako para lang maniwala pa siya.

"Good... That's all I wanted to know, that you're safe." I felt his lips peck on my forehead. Hinalikan niya ako sa noo, napapikit na lamang ako. "I love you, Roux." He whispered sofly. Mahina 'yon pero narinig ko parin. Maganda sa pandinig. Wala sa sarili akong napangiti.

"Ako nalang ang maghahatid sa'yo ngayon pauwi. Magpahinga ka."

"Si Yael na, ayaw kong maging abala sa'yo." Sagot ko.

"Ako na nga lang, Roux. Let me. Hindi ka abala sa'kin." Pagpapaintindi niya, may diin kasi ang mga sinabi niya, eh.

I cried. I really did cried.

Damien is just too good for me. . . I'm cruel, unkind and have no sympathy for his love for me. Here in my mind, what matters to me is how he left me with his child years ago. I am not obligated to understand his love for me... Kaya nga pinagtatabuyan ko siya at nilalayo sa'kin kasi ayaw ko siyang intindihan, sa sakit pa naman na ibinigay niya sa'kin noon. Pero sa huli, saka ko nalang namamalayan na sarili ko lang ang niloloko ko.

Kasalukuyan, nandito na ako sa bahay ko... Nakahiga at tulalang nakatingin sa kisame. Si Damien ang naghatid sa'kin kanina.

It's been years already, no'ng nalaman ko na... Nawalan ako ng anak. Sobrang sakit. Nawala ko ang anak namin ni Damien... Nawalan ako ng anak at 'yon 'yong pinakamasakit na naranasan ko sa pangalawang pagkakataon, maliban sa itinanggi ni Damien ang anak namin.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon