A/N: Hello Everyone! This is the last chapter of BIYA. Thank you for everyone who kept on supporting this story until the end! Lovelots and virtual hugs for all of you! Again, thank you for reaching this part! Enjoy reading!
***
Kabanata 45
It's a Yes
"What a coincidence. Aalis rin kasi Damien, e. Actually, aalis na siya bukas." Pag-kwento ko kay Yael.
We are having a tea here in Gucci's milktea shop. He told me that before he go, gusto niya muna akong makausap kaya pinagbigyan ko lamang siya. Wala namang mawawala, e. Siguro- closure na rin 'to para sa'ming dalawa. It's been weeks since we last talked. Ang sama ko namang tao para hindi na siya pansinin.
"Yeah, Tita Guissepa, his Mom told him that he needs to be back in Manila. Mayroon pa siyang kailangang asikasuhin doon." Paliwanag niya. "Pero babalik rin naman siya. Rest assure that." He added.
I laughed.
"Talaga lang, ah? Iyon rin ang sinabi niya sa'kin e, pero mayroon parin akong pag-aalinlangan, e. Kilala mo naman si Damien, diba? Para sa kaniya, family first." I sipped my tea and sighed heavily, releasing all my doubts. "Alam ko, na pamilya niya talaga ang uunahin niya."
Everything is fine for me- kahit na matagalan pa man siya doon sa Maynila. Basta ang importante ay uuwi siya dito. Long distance is not that hard for me, I can cope with that. I don't want to pressure Damien, na uuwi-uwian niya ako dito. Wala akong problema do'n, kahit na matagalan pa siya doon.
"You still doubt him, huh?" Natawa si Yael.
"Hindi naman sa gano'n. Siguro, mami-miss ko lang siya kaya ganito. Kilala mo naman si Damien, ang horny niya kaya baka hindi niya matiis ang mahiwalay sa'kin." Diretsiyahan ko, wala nang paligoy-ligoy pa.
He laughed. Muntik pa nga niyang maibuga sa'kin ang iniinom niya.
"Iba ka talaga, Roux." Pailing-iling niyang sambit.
I just laughed a bit. "Okay na ba tayo?" I asked softly, ang awkward kasi. Nakakaramdam talaga ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa kahit na tumatawa kami.
"Yeah, we're okay. Why? Hindi naman tayo nag-away, diba?" He said, almost whispering.
Hindi nga kami nag-away, pero ang dating sa'kin para siya 'yong kawawa. Oo, hanggang ngayon ay nakakaramdam parin ako ng sa kaniya. Magtampo man siya sa'kin o mainis, tatanggapin ko ang lahat ng 'yon. I think, deserve ko naman 'yon.
Si Yael, siya ang nandiyan sa'kin noong mga panahon na iniwan ako ni Damien pero iniwan ko siya noong mga panahon na bumalik na ang taong sinaktan ako nang sobra-sobra. Para sa'kin, sobrang nakakagalit ang ginawa ko, e. Si Damien talaga ang hinahanap ko kahit na nandito naman si Yhael. He's a good person so i think it's better if he should just let me go. He deserves better. Better than me.
"Roux, huwag mo na ngang isipin 'yon, we're okay. Wala akong kahit na anong galit sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko para maiparamdam niya sa'kin 'yang sinasabi niya.
Natawa ako. "Bakit ba ang bait-bait mong gago ka?" Kuryosidad ko pero tawang-tawa parin.
"Pero seriously, Yhael. You deserve better. Sana mahanap mo na 'yang taong mas better pa sa'kin. Ikaw pa ba? Ang bait mo kayang, gago ka."
He laughed. Napatingin ako sa adam's apple niya dahil ang cute niyang tumawa. Gumagalaw-galaw pa talaga ang adam's apple niya.
"Yeah, sana nga. Para makalimutan na kita, gusto ko nang magmahal ng iba." He released a heavy sighed and wet his lips using his tounge. Nakangiti siya sa'kin. Kanina niya pa hindi tinatanggal ang ngiti niya sa labi.

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Fiction généraleRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...