Kabanata 15
The Only Choice
"Saan ka nag-aaral, Miss Deverauex? And how old are you?" Panimula ni Manager Gallardo sa'kin. Kasalukuyan niya akong ini-interview, hindi ko alam kung bakit, pero kasali daw 'to sa pag-apply ko.
"Sa USA po sir." Nakangiti kong tugon.
Lumaki ang mga mata ni Manager Gallardo. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "You study in USA? Wow, that's so impressive. So you study in abroad. Then why are you here? Nakatapos ka na ba?" Dagdag pa niya.
"University of San Agustin po sir, dito sa Iloilo. Anong abroad ang sinasabi n'yo sir?" Napahawak ako sa aking bibig at mahinahing tumawa. "Btw, 19 pa lang ako sir. Kailangan ko talaga ang trabahong 'to para maiuwi ko na si Mama mula sa ospital."
Tumawa si Sir. "Oh, is you're just studying here in San Ag. Don't worry Miss Deverauex, I'll let you work here. So? Bukas, makakapagsimula ka na ba?" Manager Gallardo asked. Kaagad kong tinapaklan ang dibdib ko gamit ang mahaba kong buhok nang biglaang bumababa ang mga titig n'ya sa'kin.
"Sige po, sir. At ka-kailangan ko na pong umalis. May klase pa kasi ako, e." Umilag kaagad ako nang akmang hahawakan sana ni Manager Gallardo ang braso ko. Hindi ako komportable do'n, ang hawakan ang braso ko, ng isang taong hindi ko naman gaano kakilala. "Tapos na po ba ang pag-uusap na 'to?"
"Sure, Miss Deverauex. I'll see you tommorow." Ani Manager Gallardo. Kumindat pa sa'kin.
Sapilitan akong ngumiti. Nang tumalikod na ako sa kaniya, saka ako umirap. Bakit siya kumindat? Anong akala ni Manager Gallardo sa sarili niya? Teenager? Nakakasuka naman 'to, sa tingin ko may gusto 'ata 'to sa'kin, e.
"Si Rouxaire, nakita ko may bagong Louis Vuitton bag."
"Sa tingin ko, galing na naman 'yon sa sugar daddy niya."
"Malamang, nagbebenta ng katawan, e."
"Kaya madalas, ang dami niyang bumibili dahil nagbebenta ng katawan, e. Yuck!"
Kasalukuyan, 'andito na ako sa loob ng campus. Naglalakad pa lamang ako papunta sa first period ko, rinig na rinig ko na kaagad ang mga chismis patungkol sa'kin. Walang-tigil na parinig sa'kin, at walang-sawa nilang pinag-uusapan ang buhay ko. Pero wala parin akong pakialam do'n, mas masasaktan lang ako kapag si Mama na mismo ang manlait sa'kin, si Mama lang naman kasi ang nagpapalamon sa'kin, e. Bahala na sila.
Sanay na sanay na ko... Hindi na bago sa'kin ang tawagin akong kahit na ano.
"Rouxaire..." Isang baritonong boses. Boses pa lamang niya, nakakaramdam na kaagad ako ng paru-paro sa tiyan. Ang boses na ilang araw ko na ring hindi narinig. Nakakapanibago. "Please, can we talk?" He begged.
Lumingon ako sa kaniya habang nakapamewang. "Bakit, Damien? May dapat pa ba tayong pag-usapan?" Tinaas ko ang aking kilay.
"Bakit wala ba?" Lumapit siya sa'kin. Humahakbang ako patalikod kasabay do'n ang paghakbang niya papalapit sa'kin. "Anong ginagawa mo? Lumayo ka nga sa'kin. Nandito tayo sa bookshelf, asshole." Kahit na naiinis, sinubukan ko paring maging mahinahon. Ang bullshit niya!
Hanggang sa tuluyan na nga akong napasandal sa bookshelf, wala na akong may maa-atrasan pa kaya kinulong niya kaagad ako gamit ang mga matitipuno niyang mga braso. Nasa itaas ng ulo ko ang isa niyang kamay habang nasa gilid ng bewang ko ang kabila. Napapikit kaagad ako nang biglaan niyang ilapit ang mukha niya sa'kin. Ilang pulgada lamang ang layo, sigurado ako na maghahalikan na kami. Ramdam ko na nga ang bawat paghinga niya. Para masigurado na hindi dadampi ang labi namin sa isa't-isa, tinakpan ko na kaagad ang mukha ko gamit ang libro.
![](https://img.wattpad.com/cover/259328289-288-k71334.jpg)
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...