Kabanata 9
Dinner Date
"O? Bakit ganiyan ang suot mo? Sa'n ka pupunta?" Kuryosidad ni Mama habang pinangkikinitan ako ng mga mata. Kanina pa niyang sinusuri ang suot ko, na alam ko naman talagang nakapagtataka. Kahit nga ako ay naguguluhan, na kung bakit ay 'eto ang gustong ipasuot sa'kin ni Damien.
Naka-formal dress ako, isang dark blue na dress. Nakasuot pa ako ng isang 2-inch heels, basta ang formal kong tingnan. Bakit ganito? Bakit ba 'eto ang gustong ipasuot sa'kin ni Damien? Huwag niyang sabihin na he'll take me out on a date? Date ba 'to? Kapa 'oo', bakit? What's his reason?
"Ma... Date." Pagdadahilan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya, ang patungkol kay Damien. Sigurado ako na mas lalo lang magtataka si Mama. Mapag-matanong pa naman 'to. "Ma, please, huwag ka nang magtanong. Date ko 'to."
Tinaasan ako ni Mama ng kilay. "Date? Nang hindi mo sinasabi sa'kin? Makikipag-date ka sa isang lalaki nang hindi mo manlang nasasabi sa'kin?"
"Ma, mas gusto ko kasi, na kapag magpapakilala ako, gusto kong siya na talaga. Gusto ko na munang siguraduhin na siya na talaga bago ko ipakilala sa'yo." Pagdadahilan ko. Kahit nga ako, ay wala akong ideya sa mga mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung ano 'tong pakulo ni Damien, e.
Damien:
Are you ready?
Rouxaire:
Oo, ano ba 'to? Please lang, Damien. Huwag mo nga akong sinu-surprised.
Damien:
Just see.
Mas lalong napakunot ang aking noo. Hate ko pa naman ang sinu-surprised. Pero, kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan ang ma-surprised, e. Pero, hindi naman ako nag-aasume. Baka hindi naman talaga surprised 'to.
"Okay, get in." Utos ni Damien nang pumarada ang sasakyan niya sa harapan ko pa mismo. Kaagad naman akong sumakay, kahit na naguguluhan. Nag-suot na kaagad ako ng seatbelt, kahit na alinlangan parin ang kalooban ko na sumama sa kaniya.
"Dame, anong pakulo 'to?" Naguguluhan kong katanungan sa kaniya.
"What? We'll just have a dinner... And here," nilahad niya sa harapan ko ang 10k na pinangako niya kanina. "Don't worry, I am not asking your body in return. Thank you for going out with me, I appreciated it." Dagdag pa nito.
Shit bakit ganito? Bakit nakaramdam ako ng guilt sa ginagawa kong 'to? Hindi naman ako ganito, a'. Para kasing... Mayroong pumipigil sa kalooban ko. In short, parang mabigat sa kalooban ko ang pamemera ko sa kaniya. Lumalabag na ang kalooban ko.
"Dapat lang na bayaran mo ako, Damien..." Pagkukunwari ko kahit na parang may pumipigil sa kalooban ko na kunin ang pera. Hindi dapat ako magbago, ganito naman dapat, e. Pera lang naman ang habol ko. Wala nang kahit ano... Ayaw ko ng iba. Hindi dapat akong magpadala sa pagiging mabait niya.
"Pakibili naman ng Louis Vuitton bag..." Mahina kong pagkakasabi habang nakangiti. Nasa daan ang paningin ko.
Napasimangot ako nang hindi niya manlang akong magawang pansinin. "Dame.... I mean sugar daddy. Gusto ko ng Louis Vuitton bag. At, Gucci na rin. Chanel. Bilhan mo ako please." Pabiro ko, hindi ko naman siniseryoso ang mga sinasabi ko paminsan-minsan.
"Okay..." Agaran niyang sagot.
"Weh?" Nilapit ko ang aking mukha saka pinalakihan ko siya ng mga mata. Nakita ko ang pag-ngiti niya nang dahil do'n. "Sure ka? Bibilhan mo ako ng signature bags?"
"You're too demanding, I could just hire a prostitute than being your sugar daddy." After he said that words, he chuckled. Shit, may dimple pala siya? Ang ganda at ang lalim pa ng kaniyang dimple. "Rouxaire? Why? Why are you looking at me like that?" Nagising ang isipan ko nang mahina niyang tapikin ang aking braso.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Fiksi UmumRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...