Kabanata 31

2.9K 189 10
                                        

Kabanata 31

Art of Taste

"Kahit huwag ka na ngang sumama... Bakit ka naman pupunta doon? You can leave it to me." Sabi ni Jade sabay tapik sa balikat ko. Nakangiti pa siya nang sobrang lapad kaya natawa ako.

Mabuti nalang, na 'andito siya. I felt relief.

"Gusto ko sanang sumama... Kaso baka-"

"Hindi na 'yon babalik. Sige, sumama ka kung gusto mo. Masaya kaya doon. Sayang kung wala ka."

"Hindi naman 'yan ang naiisip ko... Basta.

This is night will be fun kaya gusto ko talagang sumama. Kaso nga lang, kung may anong pumipigil sa'kin sa kaloob-looban ko. Hindi ako mapakali.

Mr. Simeon Soldevilla' birthday. Our catering team was invited to served them. It's his birthday. Ang pakiramdam ko, naeexcite at saka kinakabahan. Neexcite ako kasi masaya talaga ako tuwing naiinvite ang team ko sa mga ganiyang party, eh. Kinakabahan naman ako... Hindi ko alam kung bakit. Basta kinakabahan ako.

Hindi ko naman talaga obligasyon ang sumama kasi hawak na ng ibang head cook 'yong pa-cater. Gusto ko lang sumama kasi masaya daw, eh.

"Baka nandoon si future mother in law mo mamaya... Kikiligin ka na naman." Kinurot pa talaga ni Jade ang tagiliran ko para asarin ako. Napairap nalang ako.

Jade is pertaining to Yael's mom, tita Navera. Hindi malabo na marami pang mga Soldevilla ang pupunta doon, hindi lang ang mommy ni Yael. Hindi naman ako natatakot sa kanila... I don't have an issue with them anyway.

Noong kami pa ni Kace, hindi naman niya ako pormal na pinakilala sa mga magulang niya. He didn't introduce me to any of his family. Aside from Gucci and Yael. Tita Guissepa, her mom, doesn't even like me. Kaya hindi ako magtatago sa pamilya ng lalaking 'yon.

But the thing is, nakakahiya kasi pati si Yael, pinatulan ko. 'Pag nagkita kami mamaya ni Tita Guissepa, baka mapangiwi lang 'yon sa'kin. Kasi pati ang pinsan ng anak niya, pinatos ko.

Hindi ko naman kasalanan kung lapitan talaga ako ng mga Soldevilla. Saka hindi ko naman ginugusto na lapitan nila ako. Si Yael lang talaga ang mapilit sa'kin. He waited years for me, just to let him court me. Ang effort kaya wala akong sapat na dahilan para ireject siya.

Si Yael kasi, nanligaw kaagad pagkaapak ko palang dito sa Iloilo!

I graduated culinary arts in University of Paris. With the course of culinary arts. Kaya pagkagraduate ko talaga, umuwi kaagad ako dito ng Iloilo para dito simulan ang negosyo ko.

Pero bago 'yon, kung nagtrabaho muna ako bilang cook sa mga restaurants. Kailangan ko muna ng budget para makapagpatayo ng sarili kong restaurant, eh... Sila Tita ko doon sa France, tutulong na rin sa'kin kaya kahit papaano, hindi ako mahirapan.

Sapat na ang naipon kong pera para makapagpatayo kaya habang hindi ko pa naipapatayo ang dream restaurant ko, nagca-catering service muna ako.

Masaya na ako ngayon, ang saya-saya. Finally, everything is in the flow now. Kung ano ang plinano ko noon, masaya ako dahil nagtagumpay ako ngayon. Imagine, if I gave up last time... I don't know what awaits me now. Masaya ako dahil nagpatuloy ako noon.

Gusto kong sumigaw bilang patunay na masaya ako pero hindi pwede! Magbibigay lang ako ng perwisyo.

"Kaya nga nandoon siya, magme-makeup ako." Natatawa kong isinagot sa sinabi ni Jade.

"Wow, kailangang nakamake-up talaga? Grabe siya. Nagpapaganda talaga." Pang-aasar ni Jade sa'kin. Sinusundot pa niya talaga ang tagiliran ko. Natawa nalang ako. Medyo namula pa nga ang pisngi ko, eh.

BACK IN YOUR ARMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon