Kabanata 24
The Hardships
"A- Ano? Ulitin mo nga 'yang sinabi mo?" Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Mama, nang dahil do'n, ay mas lalong tumaas ang aking kaba.
"Ma, bu- buntis po ako," my eyes that had already dried up, it got wet again, nang dahil sa mga luha na walang-tigil sa pagtulo.
"Buntis ka!? Sinasabi ko na nga ba, e. Diba sinabihan na kita na huwag kang makikipag-relasyon diba!? Bakit ang tigas-tigas ng ulo mo?" Mabilisan na lumakad si Mama papunta sa'kin. Hindi ako makagalaw at hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan ko... Dahil nanginginig ako sa takot.
"Mama, hindi ko sina-" nakatanggap ako ng isang napakalakas na sampal mula sa kaniya. Sa sobrang lakas, nakaramdam ako ng pang-hahapdi sa aking pisngi. Ang sakit.
Hinawakan ko ang aking pisngi na sinampal niya. "Mama... Sorry po." Yumuko ako. Patuloy parin sa pag-agos ang aking mga luha.
"Anong klaseng bata ka!? Inuuna mo pa kasi ang panlalaki mo kaysa sa pag-aaral mo! Isa kang kahihiyan!" Hindi lang isang sampal ang nakuha ko, nakatanggap muli ako ng isa pang napakalakas na sampal mula kay Mama. Hindi lang sampal, malakas rin akong sinabunutan ni Mama, walang tigil niya akong pinaghahampas.
Sa mga oras na 'to, hindi ko na inintindi pa ang pananakit ni Mama, napahawak kaagad ako sa aking tiyan na baka pati ang anak ko ay madamay.
Ang sakit sa dibdib. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ako matatanggap ni Mama. Ang sakit sa dibdib na hindi ako magawang tanggapin ni Mama.
"Ma, tama na po, sorry... Hindi ko po sinasadya... Mama, I'm sorry." Pagmamakaawa ko kay Mama. Hawak ng isa kong kamay ang aking tiyan, habang ang isa naman ay ginagawa kong panangga sa mga hampas ni Mama, sabunot at saka pagkuyog.
"Lumayas ka dito. Lumayas ka sa pamamahay ko," tumigil na si Mama. Tumalikod siya sa'kin at kumuha ng isang basong tubig na maiinom. "Ngayong araw mismo, lumayas ka na at sumama ka na do'n sa lalaki mo. Panagutan mo ang pagiging malandi mo."
Naramdaman ko ang pagkawasak ng aking puso.
Nahihirapan akong huminga, sobrang sakit ng damdamin ko. Nang-hahapdi na ako sa sobrang sakit.
"Mama..." Lumapit ako kay Mama at niyakap siya sa likuran nang sobrang higpit. "Mama, pakiusap. Wala po akong matirhan. Ayaw kong mapahamak ang anak ko." Hagulgol ko sa kaniyang balikat habang nanatili parin akong nakayakap sa kaniya.
Malakas akong tinulak ni Mama. Nang dahil do'n ay napasubsob ako sa sahig, mabuti nalang at nahawakan ko na kaagad ang tiyan ko bago pa man ako masubsob.
"Ayaw na kitang makita. Magmula ngayon, huwag ka nang magpapakita sa'kin. Huwag mo na rin akong tatawaging Mama... Dahil simula sa araw na 'to, hindi na kita ituturing na anak. Hindi na kita anak, Rouxaire. Wala akong anak na isang malandi." Mariin na pagkakasabi ni Mama.
Mga salita na mas masakit pa sa hiwalayan... Masakit sa'kin nilang anak na itakwil ng isang magulang. Siya na nga 'yong nag-iisang pamilya ko na kasama ko ngayon, pagkatapos itatakwil niya pa ako.
"Mama... Please, hindi ko makakayanan na lumayo sa inyo. Pagkatapos, itatakwil niyo pa ako. Ma, sino ang mag-aalaga sa inyo? Ma, mananatili ako ako rito para sa'yo, hindi ka pa tuluyang gumagaling sa sakit niyo." Pagmamakaawa ko kay Mama, kulang nalang, na lumuhod pa ako sa harapan niya mismo.
"Hindi kita kailangan, Rouxaire. Huwag mo akong intindihan, intindihin mo 'yang bata na nasa sinapupunan mo! Alam mong mahirap lang tayo! Ikaw nalang ang inaasahan ko! E' bakit ka nagpabuntis?" Muling tumalikod si Mama sa'kin. "Lumayas ka, umalis ka na, Rouxaire."

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...