Kabanata 4
Your Smile
"Excuse me, why are you looking at me like that?" Natatawa kong tanong kay Jade dahil ang lalim ng titig niya sa'kin, napa-english tuloy ako. "May problema ka ba sa'kin?" Ang dagdag ko pa.
"Wala. . . Ganda mo ngayon, ah, saka blooming. Hm, ano na naman kaya ang mga pinaggagawa mo sa buhay mo?" Nanghuhula pa talaga si Jade.
Humalakhak ako ng tawa. "Secret, bitch." Mas lalo akong natawa. "Nga pala, bakit kailangan pang tayo ang sumagot sa homework ng kapatid mo? Iniispoil mo si Nathan, e." Pagtutukoy ko
"Syempre tamad, hayaan mo na. Habilin ni mommy, huwag kasing pabayaan 'yong si Nathan e." Ang sabi pa niya.
"Okay." Casual kong sabi at tinuloy ulit at ginagawa kong pagsusulat. "Gusto ko sanang maging engineer o architect pero hindi ako marunong. Like, ang hina ko diyan. Ikaw?" I asked Jade.
"Flight attendant 'ata." Nanghuhula pa siya. Hindi siya sigurado. "But seriously, hindi ko pa alam."
"Flight attendant pero sa noo ang airport." Sabi ko. "Joke lang." Sabay tawa.
"Basta maganda..." confident pang sabi ni Jade sabay flip hair.
Natawa ako at tinaasan siya ng kilay.
Gagawa sana kami ng project ngayon. . . Kaso lang makulit ang kapatid ni Jade e. Nagpapaturo... Masasabi kong, nagpapagawa ng projects niya sa'min. Seven years na 'yon e, pero spoiled. Ang taba pa niya. Ang cute-cute nga e. Tutal wala naman akong kapatid, kaya siguro aliw na aliw ako kay Nathan.
Tumayo ako at nagpaalam muna kay Jade na pupunta ako ng terrace. Nabored ako e. Saka gusto kong mang-asar ng sugar daddy ngayon. Sana, hindi tumaas sugar ng lalaking 'to. Maarte pa naman at masungit.
Me:
Saan ka?
Nag-antay muna ako ng ilang minuto saka siya nagreply.
Damien:
In Estancia. Later I'll be accompanying my mom in Jaro. She's buying some properties
Rouxaire:
Ako, pwede mo akong maging property.
Damien:
I have a gf, text me again like that. I'll block you, Roux.
Rouxaire:
Charot lang, oy. Sorry bye.
Hindi na ako nagtext. Nakakatakot naman si Damien e. Para siyang lion na mangangain ng tao e... Parang gano'n talaga ang presensya niya 'pag nagagalit siya.
Tiga Estancia, Iloilo naman talaga sila Damien, e. Marami kaya silang mga kamag-anak doon. Kalat na kalat kaya sa Estancia 'yong surname nila. Sikat talaga 'yong mga Soldevilla sa doon e. Well, Estancia is a great place tho. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang manirahan doon sa Estancia kaysa dito sa City Proper. Sa New Lucena rin, kasi maganda rin doon.
May extra pa akong load, freebies kumbaga pwede pa akong makatext, kaya gusto kong ichat kay Damien 'tong nalaman ko. Actually, noon pa ako ginugulo nito. Hindi talaga matatahimik ang utak ko 'pag hindi ko 'to nasabi. Ngayon lang siguro ako magkakaroon ng lakas ng loob sabihin 'to sa kaniya. Kaya mo 'to, Roux!
Rouxaire:
Nga pala alam mo ba kung bakit Damien pangalan mo. Alam mo ba kung bakit 'yan ang pangalan mo?

BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
Fiction généraleRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...