Kabanata 2
Rich But Rude
"Saan? Sa bahay niyo nalang ba tayo gagawa ng school works? Ano sa tingin mo?" Mahina kong pagkakatanong kay Jade. Malapit na rin ang deadline ng project kong 'yon kaya kailangan ko nang matapos 'yon, agad-agad. Baka kung ano pa ang masabi ng teacher ko 'yon, e. I know her, walang asawa kaya matandang dalaga.
Hindi ako makakagawa ng project ngayon, katulad sa pinag-usapan namin ni Jade kanina. Kasi naman, gumagabi na! Traffice kasi kanina e! Tapos ang haba pa ng discussion no'ng teacher kanina.
"Sige ba, what time bukas?" Tanong ni Jade habang may nginunguya siyang pagkain.
"I-tetext nalang kita, bye!" Mabilis kong tugon. Shit! Gabi na, si Mama kaagad ang nasa isipan ko! The sky was getting darker. Hindi ko manlang naisip 'yon. I was so busy chit chatting with my bestfriend kaya nawala sa isipan ko na tumatagal na pala ang usapan namin.
"Sa'n ka galing? Bakit hindi ka umuwi nang mas maaga? Diba sinabihan na kita na sasamahan mo ako mag-tinda tuwing hapon..." Bungad kaagad ni mama nang makapasok ako sa loob ng bahay.
"Ma, ang daming schoolworks..." I reasoned out. Totoo naman kasi.
"Gano'n ba? Sige, magbihis ka na at ipaghahanda kita ng pagkain. Maligo ka na rin pagkatapos ay bumaba ka kaagad dito." Tanging naisabi ni Mama. Ni' hindi siya nangamba o nagtaka. Ganito talaga, kapag malaki ang tiwala ng magulang ko sa'kin. Nawawala na sa isipan nilang kwestyunin ako sa mga nangyayari dahil ang buong akala nila ay stable lang ang buhay ko.
Malapad akong napangiti. 'Eto 'yong gusto ko kay mama, e. Maayos lang, kahit na ang kuripot niya, basta ang caring niya parin.
Bago ako maligo. Binuksan ko muna ang cellphone ko. I opened my facebook and began to search for that guy's name. Pero, ang daming mga bumungad sa'kin.... How can I know? Kung sino siya dito.
I met that guy in the cafeteria last time, nagkaroon kaagad ako ng interes sa kaniya. He looks interesting. Unang kita ko palang sa kaniya, ramdam ko na talagang yayaman ako. Duh, mukha naman siyang mayaman. He got the looks, fame, money- what else? A perfect life? Pero hindi naman siya siguro perfect.
I tapped the first account. Damien Kace Soldevilla. I immediately messaged him.
Rouxaire Deverauex:
Hi!Rouxaire Deverauex:
Sungit! Poser lang naman.The audacity! Seen lang niya lahat ng mga messages ko? At isa pa, mukha namang poser lang naman ang account na 'to. Sa kasikatan niya, marami ang nagkalat na mga dummy accounts. Ginagamit ang pangalan niya. Who knows? Baka poser lang pala 'tong lalaking chinat ko. Kaagad kong binalik ulit sa pagkaka-charge ang cellphone at naligo. Pero mukhang hindi naman poser 'tong account na 'to. Mukhang naman 'tong legit.
"Ma? Kumain na ba kayo?" Lumapit ako kay Mama, na kasalukuyang busy sa ginagawa niyang pagtupi ng damit sa harapan ng tv. Kinuha ko ang lahat ng mga damit na nasa harapan niya para ako na mismo ang magpapatuloy sa pagtutupi niya. "Ma, ako na rito. Kumain na muna kayo." Suhestiyon ko.
"Rouxaire, pwede ba akong magtanong?" May kuryosidad sa boses ni Mama.
Bumilis ang kabog ng aking puso. May alam ba si Mama? Kapag si Mama ang nagsasalita, saka na tataas ang kaba ko, e.
"A-ano 'yon, Ma?" Nauutal kong pagkakatanong. I also blinked more than the times that I could count It. Kinakabahan ako- Oo, 'eto 'yong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
BACK IN YOUR ARMS
General FictionRouxaire, a go-lucky-girl that is enjoying every bit of her life. She enjoys sleeping with different men. She thought that having a dream is worthless because life is really unfair! Life is cruel to her, that's what she believes! Not until she met t...